Joshua Garcia tinuksu-tukso ni Alora Sasam: Konti pa lang ang lalaking nakakita ng bilbil ko, so pwede na ba tayo ma-link? | Bandera

Joshua Garcia tinuksu-tukso ni Alora Sasam: Konti pa lang ang lalaking nakakita ng bilbil ko, so pwede na ba tayo ma-link?

Ervin Santiago - May 04, 2022 - 11:37 AM

Joshua Garcia at Alora Sasam

WALANG takot at walang pag-aalinlangang ibinandera ng Kapamilya comedienne na si Alora Sasam sa social media ang kanyang katawan.

Proud na proud na ibinahagi ng komedyana sa madlang pipol ang mga litrato niya na naka-swimsuit bikini para sa pakikiisa sa body positivity campaign ng Star Magic.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinagsigawan ni Alora na hindi niya ikinahihiya ang katawan kahit na ano pa ang kanyang “size, shape, and age.”

“#BodyPositivity flex ay mag-bikini confidently, unapologetically and proudly whatever your color, size, shape, scars or age,” ang bahagi ng inilagay niyang caption sa kanyang IG post.

Sa nakaraan naman niyang post sa IG, nag-share si Alora ng isa pang litrato para i-promote ang summer campaign ng Star Magic.

View this post on Instagram

A post shared by alora sasam (@alorskieee)


“Papunta pa lang tayo sa exciting part. Sa mga ka-BILBIL ko dyan front and back, I GOTCHU. ILALABAN NATIN YUNG HULMA NATIN!

‘Yung Inday Bilbilchina na ito may pa launching sa May 1 for Star Magic Hot Summer in Baler sa @asapofficial together with mga kapatid natin sa @starmagicphils,” pahayag ng komedyana.

Pinasalamatan din niya an ABS-CBN executive na si Lauren Dyogi dahil isa nga siya sa mga napili para maging bahagi ng body positivity summer campaign ng Star Magic.

May special shoutout din si Alora para sa kaibigan niyang si Joshua Garcia na siyang kumuha ng kanyang pak na pak na litrato. Nagbiro pa nga ang komedyana na payag na payag siyang ma-link sa binata.

“To my bestie na never ko atang magiging rumored boyfriend @garciajoshuae thank you sa pic na ‘to!

“Naghahanap ako ng pic talaga na kita bilbil ko, front and back pa ang na showcase mo! Akong-ako to! Konti pa lang ang lalaking nakakita ng bilbil ko, so pwede na ba tayo ma link?” hirit pa ni Alora.

https://bandera.inquirer.net/282935/alora-pangarap-makatrabaho-si-charo-santos-parang-world-of-the-married-ako-yung-kabit

https://bandera.inquirer.net/285441/rufa-mae-iyak-nang-iyak-hirap-na-hirap-ako-nung-una-parang-end-of-the-world-na

https://bandera.inquirer.net/301470/kathryn-naging-christmas-savior-ni-alora-sasam-thank-you-mami-love-you

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending