Vic sa naninira kay Vico: Style na bulok 'di na uubra sa Pasig

Vic sa mga naninira kay Vico: Yung style na bulok ‘di na uubra sa Pasig

Ervin Santiago - October 08, 2024 - 06:30 AM

Vic sa mga naninira kay Vico: Yung style na bulok 'di na uubra sa Pasig

Vico Sotto, Coney Reyes at Vic Sotto

“MATALINO na ang mga Pasigueño at ang mga botante ngayon!” Ito ang matapang na pahayag ni Bossing Vic Sotto sa gitna ng mga pang-iintriga sa kanyang anak na si Mayor Vico Sotto.

Nangako ang veteran TV host-comedian at ang dati niyang partner na si Coney Reyes na all-out ang ibibigay nilang suporta sa kanilang anak sa muli nitong pagtakbong alkalde ng Pasig City.

Sa katunayan, personal pang sinamahan nina Bossing at Coney si Vico nang maghain ito ng certificate of candidacy (CoC) para sa kanyang kandidatura sa 2025 elections.

Sa panayam kina Bossing at Coney ng media, sinabi nito na walang dapat ikabahala ang publiko sa ikatlong termino ni Vico bilang mayor ng Pasig. Hindi rin daw sila worried sa paninira sa kanilang anak lalo na ngayong papalapit na ang eleksyon.

Baka Bet Mo: Coney nabakunahan na, sey ni Vico: My mom was the 6,318th Pasigueño senior to get vaccinated!

“‘Yung mga style na bulok hindi na uubra dito sa Pasig ‘yun.

“Alam na ng mga Pasigueño kung ano ang tama, kung ano ang mali. Nakita naman natin ang pagbabago sa pagtakbo ng gobyerno dito,” sabi ng “Eat Bulaga” Dabarkads.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vico Sotto (@vicosotto)


“Ang mga old style na politika, wa epek na dito sa Pasig. Matalino na ang mga Pasigueño at ang mga botante ngayon,” dagdag pa niya.

Para naman sa veteran actress na ina ni Vico, “I lift everything up to the Lord all the time. I have peace in my heart. My son has peace.

“We know what we are doing. He knows what he is doing so nothing to worry about. God is in control,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito naman ang advice ni Bossing Vic sa kanyang anak na public servant, “Keep up the good work, he is doing a good job. I’m proud of him.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending