Palabang sexy star na si Ayanna Misola hinubaran ng briefs si Sid Lucero: 'Nakita ko na ang lahat-lahat sa kanya!' | Bandera

Palabang sexy star na si Ayanna Misola hinubaran ng briefs si Sid Lucero: ‘Nakita ko na ang lahat-lahat sa kanya!’

Ervin Santiago |January 03,2023
facebook
share this

Palabang sexy star na si Ayanna Misola hinubaran ng briefs si Sid Lucero: ‘Nakita ko na ang lahat-lahat sa kanya!’

Ervin Santiago - January 03, 2023 - 08:02 AM

Palabang sexy star na si Ayanna Misola hinubaran ng briefs si Sid Lucero: 'Nakita ko na ang lahat-lahat sa kanya!'

Ayanna Misola at Sid Lucero

SHOOKT ang Vivamax bombshell na si Ayanna Misola nang bumulaga sa kanya ang pagkalalaki ng award winning actor na si Sid Lucero.

Magkasama sina Ayanna at Sid sa pelikulang “Bugso”, ang final offering ng Vivamax sa 2022 na idinirek ni Adolf Alix, Jr. at talaga namang game na game ang dalawa sa kanilang mga sex scenes.

Isang online sex worker ang role ng sexy star sa movie at lahat ay ginagawa niya para mapaligaya ang kanyang mga customer sa tulong na rin ng partner niyang Sid.

Sa nakaraang presscon ng “Bugso” ay natanong ang dalaga tungkol sa naging experience niya sa shooting nila ni Sid Lucero.

“Noong una, kinakabahan ako. Akala ko kasi suplado siya, kasi mas senior siya sa akin at ang dami na niyang awards.

“Pero ang bait pala niya. Siya pa ang naga-approach sa amin ng kasama naming si Hershie de Leon para maging comfortable kaming lahat sa bedscenes namin. He is so easy to work with and so professional,” tugon ni Ayanna.

Nagkuwento rin siya habang kinukunan ang love scene nila ni Sid, “We have a scene na ang utos ni Direk Adolf, alisin ko yung briefs niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ayanna M 🧿 (@ayannamisola)


“So ako ang nagtanggal ng underwear niya. Yun pala, wala siyang plaster. Kasi nagawa ko na rin yung kay Gab Lagman in ‘Bula’, pero naka-plaster siya.

“Pero kay Sid, wala palang plaster so nakita ko ang lahat-lahat niya, so naging very memorable sa akin yun,” aniya.

Sey naman ni Sid, ayaw daw talaga niyang mag-plaster dahil masakit daw kapag tinanggal lalo pa’t mabuhok nga ang ilang bahagi ng kanyang katawan.

Samantala, puring-puri naman ni Direk Adolf si Ayanna bilang aktres at sa katunayan tinawag pa niya itong “the new Osang” (Rosanna Roces).

“Hindi ko siya kilala nang i-cast siya ng Viva rito sa ‘Bugso’. Kaya pinanood ko ang past movies niya so I can have an idea of how she acts.

“Sa shoot ng ‘Bugso’, I found out hindi lang siya matapang maghubad kundi okay rin siya pagdating sa pag-arte. Para ring si Osang na natural lang ang acting style,” sabi ng direktor.

Reaksyon naman dito ni Ayanna,  “Ay, talaga po ba? Sobrang nakaka-touch naman po na ako si Miss Osang of this generation.

“Kasi I’ve seen her movies at idol ko talaga siya. Hindi lang siya walang inhibitions sa nude scenes kundi mahusay talaga siyang aktres,” sabi ng dalaga.

Gaano ba ka-sexy ang “Bugso”? “Very sexy, kasi lahat ng requests ng clients ko, ginagawa ko. E, iba-iba ang klase ng sexual fantasies ng mga kliyente, so iba-iba rin ang ginagawa ko, namin ni Sid as my partner, sa kagustuhan kong mapagbigyan sila and to please them.”

Naitanong din kay Ayanna kung sino ang type niyang maka-threesome, “Kung two guys, I dream of Rafael Rosell and Joseph Marco. Kung isang boy at isang girl, si Joseph Marco then si Hershie de Leon (kasama nila ni Sid sa Bugso) na lang kasi ginawa na namin dito sa ‘Bugso’ so comfortable na ako sa kanya.”

Saksihan ang banggaan ng mga emosyon sa “Bugso” na napapanood na ngayon sa Vivamax.

Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz

Ayanna Misola pinaligaya ang sarili gamit ang buhay na isda; Janelle Tee walang arte-arte sa ‘lafangan’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sid Lucero naghubo’t hubad sa ‘Reroute’; mas nadaliang makipag-sex scene sa lalaki kesa sa babae

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending