Sid Lucero naghubo't hubad sa 'Reroute'; mas nadaliang makipag-sex scene sa lalaki kesa sa babae | Bandera

Sid Lucero naghubo’t hubad sa ‘Reroute’; mas nadaliang makipag-sex scene sa lalaki kesa sa babae

Ervin Santiago - January 18, 2022 - 12:18 PM

Sid Lucero

GAME na game pa rin ang award-winning actor na si Sid Lucero sa paggawa ng mga sex scenes sa pelikula. 

Dalawa sa mga bago niyang proyekto ngayong 2022 (na natapos niyang gawin last year) kung saan kinailangan niyang magpakita ng hubad na katawan ay ang “Reroute” at “Silip Sa Apoy”.

Talagang hindi inatrasan ng aktor ang mga nude scene at love scene sa mga nasabing pelikula at ibinandera pa niyang hindi na siya gumamit ng plaster sa mga maseselan niyang eksena.

Sa nakaraang virtual mediacon ng latest offering ng Viva Films na “Reroute”, sinabi ni Sid na wala na siyang keber sa pagpapakita ng kanyang hubad na katawan lalo pa kung kailangan talaga sa kuwento.

“Wala naman akong hinihingi (demands sa paggawa ng love scene). Ang pinakaimportante sa akin, komportable sa akin yung kapartner ko, whether babae siya o lalake.

“Mas madali nga kapag may love scene with a guy because you both don’t want to do this and you will both do your best para isang take lang, tapos na.

“With the ladies, very different, because marami ka kailangan alagaan at pati sila, maraming inaalagaan,” katwiran pa ng Kapuso actor.

Patuloy pa niyang paliwanag, “Maraming pumapasok sa industriya na hindi buong pamilya nila sang-ayon sa mga gagawin nilang eksena. Merong iba riyan na may mga minamahal na hindi rin sang-ayon.

“So, gagawa sila ng eksena na labag sa mga nangyayari sa personal life nila so nahihirapan silang gawin ang mga yun.

“So, hindi ko rin puwedeng hindi isipin ‘yan. The most important thing para sa akin is makilala ako on a certain level ng katrabaho ko para hindi ko kailangan isipin na kapag ginawa ko ito, iisipin nila na ganoon talaga ako.

“Parang, at least, they know that there’s a limit and there’s a truth to who I am and what we’re gonna do is outside that area,” aniya pa.

Sabi pa ng aktor, kailangang aware rin siya sa limitasyon ng kanyang partner pagdating sa paggawa ng mga love scene para maprotektahan niya ang mga ito habang kinukunan ang kanilang mga eksena tulad nga nina Cindy Miranda at Angeli Khang.

“I learn what their limitations are and, at the same time, para hindi nila maramdamang naiiwan sila. I join them with their limitations.

“For example, may scene na yung blocking, e, hindi matatakpan nang todo-todo yung kailangan matakpan, for example, a plaster.

“I will have do it in such a way na hindi talaga makikita yun and, at the same time, ilalagay ko rin yung sitwasyon ko where yung babae will have a responsibility in taking care of me and covering me up also,” aniya pa.

Sa mga pelikulang “Reroute” at “Silip Sa Apoy,” “For these two projects, wala akong plaster. So, kapag nagkamali tayo sa blocking, cameo!

“E, hindi puwede yun, because it’s also part of my contract and you also have a contract. And now, we both have something to take care of each other na we’re responsible for each other.

“That becomes a mutual action, activity. Hindi tayo isang artista lang, tapos yung isang babae gagawin lang niya yung sexy, pagkatapos noon, tapos na.

“No, it’s something that you do together and it has to have a certain level of trust and acceptance from the person that you’re doing it with,” paliwanag ni Sid Lucero.

View this post on Instagram

A post shared by @sidlucero


Samantala, isang sexy-suspense thriller ang “Reroute” kung saan makakasama rin nina Sid at Cindy Miranda sina Venice Film Festival Best Actor John Arcilla at Nathalie Hart.  

Ang “Reroute” ay kwento ng mag-asawang si Trina (Cindy) at Dan (Sid) na nagkakaroon ng problema dahil pinaghihinalaan ni Dan na may ibang lalaki ang asawa. Sa gitna ng problemang ito, napagpasyahan nilang bumisita sa nag-aagaw buhay ng tatay ni Dan sa probinsya.

Ngunit habang bumibiyahe, magkakaraoon ng sila ng “reroute” kung saan mararanasan nila ang isang tagpo sa kanilang buhay na hinding-hindi nila malilimutan.

Mula sa direksyon ni Lawrence Fajarado, ang “Reroute” ay siguradong magiging trending at pag-uusapang pelikula sa pagpasok ng 2022. Mula sa Viva Films, markahan na sa kalendaryo ang pagdating ng “Reroute” sa Vivamax ngayong Jan. 21, 2022. 

https://bandera.inquirer.net/302284/cindy-miranda-hinding-hindi-makikipag-sex-sa-loob-ng-kotse-baka-mahuli-pa-ako-di-ba

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297864/sid-nanligaw-noon-kay-iya-si-drew-ang-naging-tulay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending