AJ Raval, Angeli Khang patalbugan sa hubaran at churvahan; nakipag-threesome kay Kiko Estrada | Bandera

AJ Raval, Angeli Khang patalbugan sa hubaran at churvahan; nakipag-threesome kay Kiko Estrada

Ervin Santiago |October 30,2022
facebook
share this

AJ Raval, Angeli Khang patalbugan sa hubaran at churvahan; nakipag-threesome kay Kiko Estrada

Ervin Santiago - October 30, 2022 - 12:18 PM

AJ Raval, Angeli Khang patalbugan sa hubaran at churvahan; nakipag-threesome kay Kiko Estrada

AJ Raval at Angeli Khang

SIGURADONG magiging kontrobersyal ang upcoming movie na “Us X Her” dahil muling magpapatalbugan ang dalawang reyna ng Vivamax na sina Angeli Khang at AJ Raval.

Unang nagkasama ang pambatong sexy stars ng Viva Entertainment na “Taya” kung saan s AJ ang bida habang bahagi lang ng supporting cast si Angeli.

Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan, nabigyan na rin ng solo projects si Angeli tulad ng “Mahjong Nights” at “Silip sa Apoy”. At dahil nga rito marami ang nagkomento na tinalbugan na ni Angeli si AJ matapos siyang bansagang Queen of Vivamax.

Pero pinatunayan nga nina Angeli at AJ na walang isyu o inggitan sa pagitan nila matapos tanggapin ang “Us X Her” kung saan makakasama nila si Kiko Estrada.

Pahayag ni Angeli tungkol sa pagsasama uli nila ni AJ sa isang project, “When I learned I will work with AJ, kinabahan ako, kasi nga lagi kaming pinagko-compare. But I also got excited to work with her as I know she’s a good actress.

“Sa shooting, we got along fine with our kulitan, food trip, kwentuhan. Masaya siyang kasama. We didn’t feel any competition at all on the set,” ani Angeli wala pa ring kupas pagdating sa paghuhubad at pakikipag-love scene.

Ang “Us X Her” ay mula sa direksyon ni Jules Katanyag na tumatalakay sa mag-asawang (AJ at Kiko) magugulo ang maayos at magandang pagsasama nang dumating ang isang babaeng kahuhumalingan ng karakter ni Kiko.

“Nang pumasok ang character ko sa buhay nina AJ at Kiko, doon na nagulo ang lahat. Sobrang na-obsessed kasi ako kay Kiko as his diehard fan,” ani Angeli.

Sey pa ng dalaga, “I cannot relate to my character kasi i’ve never been a diehard fan of anyone.

“Also, I’ve never been involved in a love triangle like what happened here. Challenging yung role ko, but i think nakuha ko namang itawid yung character ko sa movie,” paglilinaw ni Angeli.

Kumusta naman katrabaho sina Kiko at AJ sa bago nilang pelikula? “Si Kiko is great, also with AJ. May bedscenes kaming tatlo, threesome, at nagtatawanan lang kami at kumakain pa kami while we’re in bed.

“Very comfortable ako to work with them ni AJ. We help guide each other.

“They’re both hardworking and they’re on point sa acting nila, we’re all prepared and we’re happy nagawa namin what our director expected from us,” chika pa niya.

Aminado naman ang dalaga na natatakot din siya na baka maumay na ang mga manonood sa pagpapakita niya ng hubad na katawan sa mga ginagawa niyang pelikula.

“Ang fear ko kasi, baka nagsasawa na ang mga tao sa hubad na katawan ko, but in these films, it’s more of acting na ang ipinakita ko.

“Sa ‘Girl Friday’, asawa ako ni Jay Manalo at matrona andating ko, pinatanda ako pati sa mga damit na ipinasuot nila sa akin at sa hairdo ko.

“Dito sa ‘Us X Her’, I play my age now but it’s so different from my past roles kasi, dito, ang character ko, kung magmahal siya todo-todo.

“Sobrang obsessed sa love niya for Kiko, and that love turns into hatred when she’s rejected and everything turns into chaos.

“Yung character ko, extremes ang shifts ng emotion from being happy to breaking down and sa dulo, she’s consumed with hatred. Mahirap talaga siya, but I enjoyed it,” chika pa ni Angelo Khang.

2 palabang sexy star na bida sa ‘X Deal 2’ nagtulong sa paglalagay ng plaster sa kanilang ‘flower’

Angeli Khang kabado pa ring magbuyangyang: Never naman naging madaling maghubad, it’s still not normal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeli Khang tinawag na weird version ng ‘Fifty Shades of Grey’ ang ‘Pusoy’: Super wild ang mga sex scenes dito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending