2 palabang sexy star na bida sa 'X Deal 2' nagtulong sa paglalagay ng plaster sa kanilang 'flower' | Bandera

2 palabang sexy star na bida sa ‘X Deal 2’ nagtulong sa paglalagay ng plaster sa kanilang ‘flower’

Ervin Santiago |March 15,2022
facebook
share this

2 palabang sexy star na bida sa ‘X Deal 2’ nagtulong sa paglalagay ng plaster sa kanilang ‘flower’

Ervin Santiago - March 15, 2022 - 07:36 AM

Angela Morena, Rob Guinto at Josef Elizalde

Angela Morena, Rob Guinto at Josef Elizalde

BIDANG-BIDA na ang palabang sexy star na si Angela Morena sa latest  sex-drama movie ng Viva Films, ang “X Deal 2” na idinirek ni Lawrence Fajardo.

Unang napanood ang dalaga sa mga supporting roles tulad ng mga ginawa niya sa “Sanggano Sanggago Sangguwapo 2” at “Kinsenas Katapusan”.

Makakasama ni Angela rito si Rob Guinto na isa ring Viva artist na wala ring arte sa paghuhubad at ang magaling na character actor na si Josef Elizalde.

Sa naganap na virtual mediacon para sa “X Deal 2” kamakailan ay natanong si Angela kung ano ang naging karanasan niya working with Rob and Josef sa isang pelikula na punumpuno rin ng hubaran.

“Si Ate Rob, una kong nakilala sa acting workshops ng Viva for us newcomers. When I first saw the list of participants, akala ko kasi lalaki siya kasi Rob ang name niya, yun pala, girl siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angela 🌞 (@angelamorena_)


“Naging close kami agad so I was so happy when I learned na magkakasama kami rito sa ‘X Deal 2’ as I really want to work with her,” ani Angela.

Tungkol naman kay Josef, “Mas matagal siya sa showbiz kaysa sa amin ni Ate Rob, so andami niyang tips na binibigay sa amin lalo na pagdating sa blocking. Parang naging kuya-kuya namin siya sa shoot.

“When it comes to the love scenes, pinag-uusapan muna namin nang husto ang mga gagawin namin in front of the camera,” aniya pa.

Kuwento pa ng sexy star, talagang pinaghandaan niya ang role niya sa movie, “I has to prepare kasi lead role ito. Isinapuso ko talaga ang acting workshops that we did to internalize our characters that we’ll portray kasi very challenging ang roles namin.

“It’s good na si Ate Rob, we are roommates so lock in shooting. Pinagtabi talaga namin ang beds namin para mas gumanda ang chemistry namin.

“Ang dami kong natutunan sa kanya, lalo na pagdating sa pag-ibig, na kailangan talaga, matino yung lalaki at siguradong mamahalin ako. We became so close na naglalagayan pa kami ng plaster sa isa’t isa to cover us during the shoot.

“First time ko to do a lesbian love scene and I’m glad siya ang kaeksena ko as we feel comfortable na with each other. I enjoyed working with all of them, including direk Law Fajardo,” aniya pa.

Samantala, natanong din siya kung ano ang matututunan ng manononood sa pelikulang “X Deal 2”, “Sa bawat character, may makukuha kang lesson. Unang-una na yung before you get into any deal, dapat na pag-isipan mo munang mabuti, kasi once na nakipag-deal ka, you should be ready with all the consequences that might happen to you.”

Nabanggit din niya na wala siyang arte pagdating sa paghuhubad, “This is a good start for my career, but I don’t see myself doing this in my entire career. I want to be versatile and later explore other characters and other films na iba-iba ang genre.

“I feel I have other things to offer than just baring my body. I even want to try doing kontrabida roles,” sabi pa niya.

At knows n’yo ba na may nangyari sa lock-in shooting nila na talagang hinding-hindi niya makakalimutan dahil nalagay pa sa panganib ang kanyang buhay.

“I nearly drowned while we’re shooting this film sa dagat. Drone shot, so hindi ko naririnig na sumisigaw sila na masyado na pala akong malayo.

“Nag-panic ako when my foot can no longer touch the ocean floor. Mabuti na lang at nagawa ko pang makalangoy pabalik sa shore,” sabi pa ni Angela.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na simula sa March 25 ang “X Deal 2” exclusive sa Vivamax.

Rob Guinto, Angela Morena, Josef Elizalde nadala nga ba sa kanilang love scenes?

Maxene nakipag-dinner date sa parents ng asawa sa gitna ng chikang naghiwalay na

Ex-loveteam hindi na ‘package deal’ sa mga TV commercial pero aktor swerte pa rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending