Kilalang direktor mahilig magpaganda ng sasakyan wala namang pambayad, utang sa shop owner inabot ng ilang buwan bago na-settle
KUNG kulang ang budget para sa mga accessories na gustong ilagay sa sasakyan, ‘wag nang gawin dahil hindi naman ‘yan prayoridad.
‘Yung suki naming may tindahan-talyer ng mga aksesorya ng sasakyan na matatagpuan sa Pasig City at ang main branch ay sa Quezon City ay may naikuwento sa amin.
Nahirapan daw siyang singilin ang kilalang direktor na almost a year nang nagpalagay ng kung anik-anik sa sasakyan niya para raw maganda ang takbo lalo na sa highway dahil lagi siyang nagmamadali kapag may out of town shoot.
Palibhasa kilalang direktor kaya super asikaso siya ng mga tauhan ng owner ng shop na lima ang nagtulung-tulong para matapos kaagad para maiwasan din ang pila. In fairness, pinipilihan ang shop dahil mahuhusay ang mga tauhan.
Pagkalipas ng apat na oras ay natapos na ang pagpapaayos ng sasakyan, sabi nga sa amin ay ang guwapo na ng car ni direk.
Ending, wala naman palang sapat na pambayad ang direktor sa mga nagastos na puro tawad pa at umabot sa mahigit P50,000. Kaya nakiusap siya na ang balanseng P20,000 ay isusunod niya at nag-iwan pa siya ng contact number, address at kung anong network siya konektado.
At dahil kilalang direktor at nakipag-usap naman nang maayos kaya pumayag na ang owner ng shop.
Baka Bet Mo: Annabelle Rama binanatan ang isang salon owner: Ginulo mo ang buhay ko
Ending, malapit nang mag-isang taon ay hindi pa rin nagbabayad ang kilalang direktor, ilang beses din siyang kinokontak ng staff ng shop pero hindi sumasagot at kadalasan pinapatay ang cellphone.
Ito palang si shop owner ay maraming kakilala sa showbiz at nabanggit niya sa aktor na kakilala si direk ang tungkol sa beinte mil na kulang nito hanggang sa nabanggit nito sa direktor ang tungkol sa utang niya.
Napahiya siguro ang kilalang direktor dahil artista niya sa bago niyang project ang nagsabi kaya siya na mismo ang tumawag sa shop owner na ipapadala ang bayad agad-agad.
Hindi naman din nasunod ang “agad-agad” dahil inabot pa ng 6 months bago niya nabayaran ang utang.
Tanong tuloy ng shop owner sa amin, “Sikat siya di ba, marami siyang show?”
Sabi namin, hindi porke’t sikat maraming pera, ‘yung sinasabing maraming show ay meron din namang kaso baka naman maliit lang din ang talent fee niya?
Heto pa pala, ang ibinayad na tseke ay wala pala sa pangalan ni direk kundi nakapangalan sa isang aktres.
Sabi pa ng shop owner sa amin, “Mas okay pa magpagawa ang mga ordinaryong tao, may pambayad kesa sa mga kilala!”
Online app owner na malaki ang kinikita sa negosyo magpo-produce na ng pelikula
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.