Annabelle Rama binanatan ang isang salon owner: Ginulo mo ang buhay ko
HINDI napigilan ni Annabelle Rama ang pagkayamot sa isang salon sa Las Piñas at ipinost ito sa kaniyang Instagram account.
Aniya, gumawa raw ng event ang salon owner na dinaluhan ng mahigit 15 katao sa loob ng salon nito.
Out of curiousity ay tinanong niya ang may-ari kung bakit bukas sila dahil halos lahat ng salons at barber shops na alam niya ay sarado. Napag-alaman niya ito dahil madami siyang tinawagang salon para magpa-home service ngunit tinatanggihan siya nito dahil sarado pa ito hanggang September 7.
Nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila at ayon sa IATF, hindi pa pwedeng mag-operate ang mga personal care establishments gaya ng mga salon.
“Nakakaloka ‘yung owner ng salon. Gumagawa ng kwento. Sinisigawan at inaaway ko raw siya. Hoy, dai! Baka ikaw ang sira ulo. Papano kita sisigawan at aawayin ng walang dahilan?” saad ng ina nina Ruffa.
“Masama bang magtanong? Tinatanong lang kita bakit kayo gumagawa ng event at bakit gumagawa kayo ng lahat ng services sa salon,” dagdag pa ng dating aktres.
Aniya, hindi raw siya sinasagot nang maayos at tinanong kung sino siya. Pinatay na niya ang tawag at saka tinext ang owner kung bakit ito nagsisinungaling.
“Sabi ko concern lang ako dahil meron kang customers sa salon na kakilala ko. I asked you sa text na pag magka-COVID ang isa dyan, ikaw ba ang magbabayad sa hospital? Ang sagot mo ay vaccinated lahat at pina-swab test mo silang lahat,” patuloy niya.
Marami na raw kasing kakilala si Annabelle na kahit fully vaccinated ay nagpositibo pa rin sa COVID-19 at namatay.
Hirit pa niya, “Ginulo mo ang buhay ko. Lumaki ang gulo dahil sa pagka-liar mo.”
Hindi na dinetalye pa ng asawa ni Eddie ang mga nangyari dahil maraming tao raw ang involved sa totoong kuwento.
“Alam mo dai, ‘wag mo akong gawing tanga at sira ulo. Nang-aaway at nagsisisigaw na walang dahilan. Bwiiiisiiiitttt! Sinira mo ang araw ko,” imbyernang saad ni Annabelle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.