Grabe siya! Kilalang direktor nuknukan ng yabang kaya ayaw nang makatrabaho ng mga taga-produksyon | Bandera

Grabe siya! Kilalang direktor nuknukan ng yabang kaya ayaw nang makatrabaho ng mga taga-produksyon

Reggee Bonoan |February 23,2023
facebook
share this

Grabe siya! Kilalang direktor nuknukan ng yabang kaya ayaw nang makatrabaho ng mga taga-produksyon

Reggee Bonoan - February 23, 2023 - 06:23 PM
Grabe siya! Kilalang direktor nuknukan ng yabang kaya ayaw nang makatrabaho ng mga taga-produksyon

NAKAKALAKI ba talaga ng ulo kapag ang mga pelikula ng isang direktor ay pawang hits simula nang makilala siya sa movie industry?

Ito kasi ang dahilan kung bakit nawala na ang isang direktor sa isang TV network kung saan marami siyang TV at movie projects dahil inireklamo na siya ng mga taong nakatrabaho niya.

Ang kuwento ng ilang taong naka-work ng direktor na ang tawag sa kanya ay, “as*hole director”, “Grabe, sumusuko ang buong production sa kanya, sobrang yabang, ang liit ng tingin sa mga staff niya.

“Gets na naming perfectionist siya, pero kausapin niya namg maayos hindi ‘yung sisigawan ka sa harap ng maraming tao na halos ikadugo na ng pagkatao mo.

“Kaya pala maraming ayaw siyang ka-work kasi sa ugali niya, pero dahil kailangan ng mga tao ng trabaho tinitiis lang, pero may hangganan,” ang detalyadong kuwento sa amin ng naka-work ni direk sa TV network.

Noong wala pang pandemic ay okay lang sa mga taga-production ang ugali ng direktor kasi nga trabaho lang naman, sanayan na lang na masigawan dahil parte naman daw iyon sa set.

Lalo’t mabango ang pangalan ng direktor sa management dahil nga kumikita ang mga pelikula at mataas ang ratings ng mga show niya.

“Pero binilangan na siya kasi sumobra na ang pakitungo talaga, kapag mas mababa sa kanya, maliit ang tingin sa ‘yo, sa management lang siya mabait siyempre para bigyan ng projects.

“E, dumaan na ang pandemic, so, lahat ng tao nagkaroon ng mental health problems hindi na nila kakayanin ang mga ganitong drama ni direk. Nu’ng may binuong show na siya ang direktor, walang gustong taga-prod na maka-work siya as in lahat tumanggi.

“At iisa nga ang kuwento nila, so, walang magawa ang mga boss kundi ibigay sa ibang direktor ang project at hayun, smooth ang working relationship ng lahat mula artista hanggang utility.

“Dahil sa walang project na maibigay at kailangan din namang mabuhay ni direk, so nagsabi siya na tatanggap siya sa iba, hayun kaagad siyang pinayagan.  Sa madaling salita, indirect siyang inalis by not giving projects,” kuwento naman ng isa pang naka-work ng direktor.

Dati naman daw ay okay si direk, nagsimula raw nu’ng pumatok nang husto ang teleserye niya ay nabago na ang ugali na gustong isipin ng iba na baka excited lang, pero hindi pala dahil lumala na.

In fairness ay magaganda ang project ng direktor na bida sa blind item namin pero bakit wala pa siyang gaanong awards?

Sabagay, sabi naman nila mas gusto nilang kumita ang mga pelikula nila kaysa sa awards.

Related Chika:
Kilalang aktres, asawang negosyante ‘open relationship’ ang status, pwede silang tumikim ng ibang ‘putahe’

Kilalang aktres nabuntis, nanganak noong kasagsagan ng pandemya: Na-shock kami kung sino ang tatay!

Darryl Yap planong gumawa ng pelikula tungkol sa pamilya Marcos; aprub sa mga BBM loyalist

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea walang inabandonang show sa ABS-CBN: Ano yung sinasabi ng direktor na may iniwang serye?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending