Bea walang inabandonang show sa ABS-CBN: Ano yung sinasabi ng direktor na may iniwang serye? | Bandera

Bea walang inabandonang show sa ABS-CBN: Ano yung sinasabi ng direktor na may iniwang serye?

Reggee Bonoan |July 02,2021
facebook
share this

Bea walang inabandonang show sa ABS-CBN: Ano yung sinasabi ng direktor na may iniwang serye?

Reggee Bonoan - July 02, 2021 - 04:34 PM

KALIWA’T kanang batikos ang inabot ng paglipat ni Bea Alonzo sa GMA 7 matapos lumabas ang balitang may iniwan daw siyang trabaho sa ABS-CBN na hindi niya tinapos.

Ang tinutukoy nila ay ang teleseryeng “Kahit Minsan Lang” mula sa Star Creatives na nakapag-taping na noong mga huling buwan ng 2019.

Pero base naman sa nabasa naming update, ang nasabing serye ay kanselado na noon pang 2020.

Ang official statement noon ng Star Creatives kaya hindi na natuloy ang serye ay, “The nature of the material developed for Bea cannot be accommodated at present because of the restrictive scenarios of shooting.”

Ang dahilan ng kanselasyon ay dahil ayaw daw mag-taping ni Bea dahil sa pandemya kaya napagdesisyunan ng management na palitan na lang ang aktres at hahanapan siya ng ibang project.

Makakasama sana ni Bea sa nasabing proyekto sina Richard Gutierrez, Rafael Rosell, Jameson Blake, Christian Bables, Edu Manzano, Dawn Zulueta, Isabelle Daza, Roxanne Barcelo, Jennica Garcia, Ana Abad Santos, Nonie Buencamino at Helen Gamboa.

Ito ‘yung sinabi ni Bea sa panayam sa kanya kahapon ng media kasabay ng contract signing niya sa GMA 7 na mutual decision niya at ng production team ng “Kahit Minsan Lang” na hindi na nga ito ituloy.

Kuwento naman ng aming source ay nagpasabi si Bea na okay na siyang mag-taping at waiting siya sa offer pero wala raw maibigay at dito na nagsimulang makipag-usap ang aktres sa ibang manager.

“Sakto kasi wala nga siyang kontrata na sa ABS (CBN), di ba? Lahat ng taga-Star Magic wala ng kontrata pero may mga artists silang hindi nila pinayagang lumipat sa ibang network. Si Bea since big star siya, sinabihan siyang ‘okay lang’ na mag-entertain siya ng ibang offers.

“Kaya doon pumasok na naghanap siya ng bagong manager kasi nga wala na siyang manager technically dahil si Mr. M (Johnny Manahan) at Ms. Mariole (Alberto) wala na sa Star Magic,” kuwento sa amin.

Dagdag pa ng aming source, “Kaya saan ba nanggagaling ‘yung sinasabi nu’ng direktor na may iniwang show?”

Sabi namin sa kausap namin na technically kinansel ang show kasi ayaw mag-taping ni Bea, so baka iyon ang ibig sabihin ng direktor na nag-post na nang-iwan sa ere ang aktres.  

At siyempre apektado ang production staff na kasama sa show dahil nawalan sila ng work.

Anyway, nu’ng huli naming makapalitan ng mensahe si Direk Cathy Garcia Molina ay matutuloy pa rin daw ang pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea sa Star Cinema dahil nag-meeting na sila tungkol dito.

Pero ngayong parehong nasa GMA 7 na sina Lloydie at Bea, matuloy pa kaya ang pelikula nila kay direk Cathy?

Tinext namin ang direktor habang sinusulat namin ang balitang ito pero hindi pa kami sinasagot.  Maging ang isang executive ng Star Cinema ay hindi rin kami sinagot tungkol sa comeback movie sana nina Popoy at Basha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanong, hindi kaya ang John Lloyd-Bea ang next project ng GMA Pictures/Viva Films at APT Entertainmwnt pagkatapos ng gagawing pelikula nina Bea at Alden Richards?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending