AJ Raval, Angeli Khang game na game na nagchurvahan sa 'US X HER'; pinagsaluhan si Kiko Estrada | Bandera

AJ Raval, Angeli Khang game na game na nagchurvahan sa ‘US X HER’; pinagsaluhan si Kiko Estrada

Ervin Santiago |November 23,2022
facebook
share this

AJ Raval, Angeli Khang game na game na nagchurvahan sa ‘US X HER’; pinagsaluhan si Kiko Estrada

Ervin Santiago - November 23, 2022 - 12:57 PM

AJ Raval, Angeli Khang game na game na nagchurvahan sa 'US X HER'; pinagsaluhan si Kiko Estrada

Kiko Estrada, AJ Raval at Angeli Khang

PINAGBIGYAN ng dalawang reyna ng Vivamax na sina AJ Raval at Angeli Khang ang hiling ng kanilang mga tagasuporta na magsama sa isang pelikula.

Magkasama ngayon ang mga palabang hubadera ng Viva sa psychological drama na “US X HER” kasama ang magaling na aktor na si Kiko Estrada. Mapapanood na ito sa Vivamax.

Napanood namin ang pelikula sa ginanap na private screening nito kamakailan sa Gateway Cineplex na dinaluhan ng cast members kasama ang direktor nitong si Jules Katanyag.

In fairness, nabigyan naman ng justice nina Angeli at AJ ang kanilang mga role sa movie as Lila and Mari respectively.

Hindi sila naglamunan sa kanilang mga eksena sa halip mararamdaman mong nagtulungan at nagsuportahan talaga sila para mas mapaganda pa ang kanilang pelikula.

Siguradong masa-satisfy din ang kanilang mga fans and supporters dahil bukod sa mga love scenes nila kay Kiko ay may pasabog din silang churvahan at kangkangan sa “US X HER”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)


Ito nga ang unang pagkakataon na mapapanood ang Vivamax Queens na pinapaligaya ang isa’t isa, lalo na si Angeli na ilang beses nagsarili sa pelikula at parehong nagkagusto sa karakter nina AJ at Kiko.

Ang hindi lang kami sure ay kung ano ang magiging reaksyon ng manonood sa naging istilo ni Direk Jules sa pagbuo ng movie dahil ibang-iba ang ginawa niyang atake sa paglalahad ng kuwento nito.

Unpredictable rin ang naging takbo ng istorya ng “US X HER” dahil kakaiba nga at medyo mapapaisip ka sa naging ending nito. Ang akala kasi namin ay magiging madugo at bayolente ito pero nagkamali kami.

Ayon kay Direk Jules na isa sa mga  writer ng mga Kapuso teleserye, inspired daw ng classic movie ng Viva Films na “Sinasamba Kita” ang “US X HER.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Samantala, as expected naipakita muli ni Kiko ang kanyang versatility sa pelikula na kahit hindi siya nakapag-prepare nang bongga para sa kanyang role bilang naglokong asawa ay winner pa rin ang akting niya.

Si Diego Loyzaga kasi ang unang napili ng Viva para sa nasabing proyekto pero biglang nagkasakit ang binata kaya napunta kay Kiko ang pelikula.

Ito ang dahilan kung bakit hindi na raw siya nabigyan ng chance na makapaghanda nang matagal-tagal dahil nagsimula na agad ang kanilang shooting.

Wala sa naganap na private screening ng pelikula si AJ kaya hindi niya nasagot ang mga inihandang tanong sa kanya ng media na naroon at wala ring nakuhang update tungkol sa rumored boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

AJ Raval, Angeli Khang patalbugan sa hubaran at churvahan; nakipag-threesome kay Kiko Estrada

2 palabang sexy star na bida sa ‘X Deal 2’ nagtulong sa paglalagay ng plaster sa kanilang ‘flower’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeli Khang kabado pa ring magbuyangyang: Never naman naging madaling maghubad, it’s still not normal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending