'The Clash' graduate Garrett Bolden pasok sa cast ng 'Miss Saigon'; ending ng 'Raising Mamay' inaabangan na | Bandera

‘The Clash’ graduate Garrett Bolden pasok sa cast ng ‘Miss Saigon’; ending ng ‘Raising Mamay’ inaabangan na

Ervin Santiago |July 27,2022
facebook
share this

‘The Clash’ graduate Garrett Bolden pasok sa cast ng ‘Miss Saigon’; ending ng ‘Raising Mamay’ inaabangan na

Ervin Santiago - July 27, 2022 - 07:35 AM

Garrett Bolden, Ai Ai delas Alas at Shayne Sava

NGAYONG Linggo na ang pinakaaabangang pagtatapos ng well-loved GMA Afternoon Prime series na “Raising Mamay.”

Pinagbibidahan ito ng nag-iisang Kapuso Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas bilang Mamay Letty at ni GMA’s newest Afternoon Prime Drama Princess Shayne Sava bilang si Abigail.

Sa finale week ay unti-unti nang malalaman ni Abigail (Shayne) ang katotohanan. Matapos madiskubre ni Randy (Gary Estrada) na naging kabit ni Sylvia (Valerie Concepcion) si Bong (Antonio Aquitania), malakas ang kutob ni Abigail na si Randy ang nanakit sa kanyang Daday Bong.

Umamin na rin si Sylvia na siya ang tunay na ina ni Abigail at hindi si Mamay Letty ngunit hindi madali para kay Sylvia na aminin sa lahat na anak niya si Abigail dahil itinatago niya ito kay Randy.

Hindi rin dapat palampasin ang episode kung saan malalaman na nang lahat ang kasalanan ni Randy na magpapahamak kay Abigail.

Makakaligtas kaya si Abigail sa kasamaan ni Randy? Matatakasan kaya ni Randy ang katotohanan at ano ang mangyayari kina Letty at Sylvia?

Tutukan ang finale week ng “Raising Mamay” pagkatapos ng “Apoy sa Langit” sa GMA.

* * *

Congratulations are in order para sa latest achievement ni “The Clash Season 1” finalist at Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden.

Inanunsyo noong Linggo (July 24) sa “All-Out Sundays” na gagampanan niya ang papel na John Thomas sa “Miss Saigon” show sa Guam.

Sa kanyang Twitter, ni-reveal ni Garrett na matagal na niyang pangarap na pasukin ang mundo ng teatro.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by garrett devan bolden jr (@garrettboldenjr)


“I will be joining the cast of ‘Miss Saigon’ in Guam. It’s always been a dream of mine to venture into theatre and I know that joining Miss Saigon is one for the books.

“As a singer, I know that I would grow and learn more as I try new things in this career. Thank you for the never ending support mga Kapuso! Lahat ng ito ay para sa inyo!” sabi ng Kapuso star.

Pansamantala munang hindi mapapanood si Garrett sa “All-Out Sundays” dahil magsisimula na ang kanilang trainings sa “Miss Saigon” ngayong Agosto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hiling niya na patuloy siyang suportahan at ipagdasal sa panibago niyang journey. Hinihikayat niya rin ang mga Kapuso sa Guam na panoorin ang “Miss Saigon” sa darating na Setyembre.

‘Raising Mamay’ nina Shayne at Ai Ai marami pang pasabog sa huling 2 linggo; Kapuso viewers humiling agad ng book 2

Shayne Sava ayaw na ayaw sa lalaking manloloko: Uso ang hiwalayan sa showbiz dahil sa cheating kaya dapat mag-ingat

Dimples nagluluksa sa pagpanaw ng lola: Hindi po ako handa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending