Sofronio sa lovelife: Kung sino man nagpapasaya sa 'kin, I'm happy

Sofronio sa lovelife: Kung sino man nagpapasaya sa ‘kin, I’m just happy

Ervin Santiago - February 26, 2025 - 03:14 PM

Sofronio sa lovelife: Kung sino man nagpapasaya sa 'kin, I'm just happy

Sofronio Vasquez

SINAGOT ni “The Voice USA” season 26 grand champion Sofronio Vasquez ang tanong ng entertainment press tungkol sa kanyang lovelife.

Humarap ang singer sa ilang miyembro ng media pagkatapos ng kanyang contract signing bilang pinakabagong kapamilya ng ABS-CBN at Star Magic.

Isa nga sa mga nausisa sa binata ay ang tungkol sa kanyang personal life, partikular na ang pagkakaroon umano ng dyowa na nagsisilbing inspirasyon niy ngayon.

“Kung yung love life na pag-uusapan, sobrang blessed na ako kasi I am just happy now,” pahayag ni Sofronio.

Aniya, mas mabuting huwag na lang siyang mag-open up about his romantic life dahil kahit ano naman ang sabihin niya ay may magkokomento pa rin ng hindi maganda.

Baka Bet Mo: Relasyon ni Sofronio Vasquez sa handler nilagyan ng malisya, magdyowa raw?

“Whether sabihin ko sa inyo kung may jowa ako, hindi kayo maniniwala, sabihin kong wala akong jowa, hindi kayo maniniwala. So, I just want to say na I am happy right now,” esplika ni Sofronio.

“Kung sino man nagpapasaya sa akin, I am just happy!” dagdag pang sey ng latest addition sa Star Magic family.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sofronio Vasquez III (@sofroniovasquez)


Iniintriga kasi ang singer at ang kanyang handler na si Gio Santos na umano’y may relasyon na nagsimula sa isang malisyosong social media post mula sa isang netizen.

Sa isang Facebook page, ipinost ang litrato nina Sofronio at Gio kung saan makikita si Gio na nakasandal ang ulo sa balikat ni Sofronio. Tinakpan ng emoji ang mukha ni Gio.

Ang nakalagay sa caption, “Sofronio Vasquez Returns to the Philippines for the Show at Solaire North on February 13, 2025…with His Boyfriend by His Side!”

Sa pamamagitan ng kanyang X (dating Twitter) account, mariing pinabulaanan ni Gio na may relasyon sila ni Sofronio na higit pa sa pagkakaibigan at pagiging handler-talent.

Ni-repost ni Gio ang screenshot ng nasabing Facebook post sabay paliwanag, “Handler ako ni Sofronio. Hindi kami mag-jowa.”

Samantala, naibahagi rin ni Sofronio na nakatanggap siya ng offer mula sa UK production ng hit musical na “Miss Saigon.”

“I am so excited to share this to everyone na I am offered sa Miss Saigon sa UK but I have to figure it out kasi mukhang masikip na talaga iyong dates,” pagbabahagi ni Sofronio.

“Isa sa mga nagbukas na pangarap sa akin is to be in a musical kasi maganda rin siya,” aniya pa. Ang inalok daw sa kanya ay ang role ni Thuy.

“I  am offered a role. I think it’s an Asian, Vietnamese na role. I think it’s Thuy. May nagcacast sa akin. Nagbigay na sila ng dates. Technically, parang kakanta na lang ako doon. Sana magawan ng paraan.

“If ever naman kung hindi, I am just blessed na kumbaga may chance pala and I will not close doors sa musical play,” sabi ni Sof.

Patuloy pa niya, “First time ko siya ishare sa lahat. It’s really true and I am super blessed kaso lang with the line of shows that I have, it’s going to be hectic talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’ve already asked one artist an nakapagtry doon, Mr. Mark Bautista, kung paano doon,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending