Sofronio type mag-aksyon sa Batang Quiapo, nanawagan kay Coco

Sofronio type mag-aksyon sa Batang Quiapo, Incognito; nanawagan kay Coco

Ervin Santiago - March 02, 2025 - 12:35 AM

Sofronio type mag-aksyon sa Batang Quiapo, Incognito; nanawagan kay Coco

Coco Martin at Sofronio Vasquez

NANAWAGAN ang “The Voice USA” Season 26 champion na si Sofronio Vasquez kay Coco Martin para maging bahagi ng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Kung bibigyan daw siya ng pagkakataon na umarte sa harap ng mga camera ay nais niyang magkaroon ng special appearance sa hit action-drama series ni Coco sa ABS-CBN.

Nakachikahan ng BANDERA at ng ilang piling miyembro ng entertainment media ang international champion singer sa contract signing niya bilang pinakabagong kapamilya ng Star Magic.

At dito nga niya paulit-ulit na nabanggit ang kagustuhan niyang mapasama sa “Batang Quiapo” ni Coco na nananatiling number one series ng Kapamilya Network.

Nais din daw niyang mapasama sa isa pang Kapamilya series na “Incognito” na napapanood ngayon sa Netflix dahil talagang pangarap niyang mag-action.

Baka Bet Mo: Sofronio Vasquez nakabalik na ng Pinas: ‘I’m excited kung anong mangyayari!’

“Kung balak po nila na ipasok ako, kahit Batang Quiapo na lang, yung Mafia yung role ko. Gusto ko talaga pumasok. Pati sa Incognito. Gusto ko kasi action. Kahit one week lang,” chika ni Sofronio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dugtong pa niya, “Gusto ko talaga pumasok sa Batang Quiapo. Yung role ko kakanta ako pero akala nila kakanta lang ako pero sa likod Mafia pala ako.”

Pa-shoutout pa niya sa Kapamilya Teleserye King na siya ring direktor ng “Batang Quiapo”, “Direk Coco, alam niyo naman sobra akong fan. Kapag po kailangan niyo ng pamalit kay Rigor, pwede po ako.”

Samantala, isa raw sa magiging advocacy ngayon ni Sofronio ay ang makatulong para sa mga Pinoy artist na nais mag-try sa global stage.

“Now, I think, ang kailangan ko gawin is how to sustain it, how to broaden the bridge. Ang challenge is paano ko ipapalawak yung tulay para hindi lang ako yung magaadjust, hindi lang sila. Kumbaga maraming mabibigyan ng pagkakataon,” sabi ni Sofronio.

Naniniwala ang binata na dahil sa “The Voice USA” Season 26 ay naipakilala niya kahit paano ang Filipino style of music sa international audiece.

“I really started naman my music abroad using Filipino music, the OPM factor, the Filipino side of my music.

“I really wanted to continue with the music track and the music world map that I have started. Hopefully, magiging global din siya with the help of the people that really do music here and abroad,” aniya pa.

Nauna na naming naisulat dito sa BANDERA na plano nang gawin ng ABS-CBN ang life story ni Sofronio Vasquez ngunit hindi pa sinabi kung gagawin ba itong docu-series o pelikula.

Ngunit may narinig kaming chika na posibleng ipalabas ito sa napapabalitang pagbabalik daw ng “Maalala Mo Kaya” sa ABS-CBN.

Sabi ni Sofronio, “Actually, nagkaroon na kami ng meeting. Mayroon na briefing, mayroon na na storytelling and interview. Tinatanong ako kung excited ba ako to act on kaso na-cha-challenge ako. Sabi ko, mukhang gusto ko na lang kumanta.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sakaling hindi nga siya ang gaganap sa kanyang life story, ang gusto niyang bumida sakali ay ang award-winning actor at singer na si Elijah Canlas, “He is really good at acting.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending