Jewel Mische 3 buwan nang nasa Pinas: ‘Parang ayaw ko na bumalik ng America!’
MUKHANG nag-enjoy nang todo ang dating aktres na si Jewel Mische dito sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya.
Sa Instagram, ibinunyag ni Jewel na noong Oktubre pa sila dumating sa ating bansa.
“Our family has been keeping a little secret! We are in the Philippines!” sey niya, kalakip ang litrato kasama ang American husband na si Alister Kurzer at tatlong anak, habang sila ay nakasakay sa eroplano papuntang Davao.
“We have some ministry opportunities here that we just couldn’t pass up,” esplika niya.
Baka Bet Mo: Jewel Mische umaming nakilala ang asawa sa online Christian site; hindi nahirapang iwan ang showbiz
Nabanggit din ni Jewel na tuwang-tuwa silang pamilya dahil bukod sa natatanggap nilang pagmamahal at spiritual blessings ay na-spoil din sila ng Pinoy foods.
“Please keep us in your prayers because I can’t stop eating and parang ayaw ko na bumalik ng America!!” wika pa ni Jewel sa IG.
Kasunod niyan ay inamin niyang miss na miss na niya ang kanyang mga kaibigan na nasa Luzon at nais niyang makipag-meet bago bumalik sa US.
“Hindi pa lang po ako makapag-reach out dahil sa mga commitments namin dito simula pa pagdating namin, saka nahihiya din po ako doon sa iba sa inyo. Pero sana mangyari pa din before we head back [to the US] in a few weeks!” aniya.
View this post on Instagram
Kung matatandaan, taong 2015 nang ikinasal sina Jewel at Alister.
Noong 2018 nang isinilang ng dating aktres ang firs baby nila, ang pangalawa naman ay noong 2020 at ang bunso ay noong 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.