Kapamilya Stars nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

Pauline del Rosario |October 01,2023
facebook
share this

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

Pauline del Rosario - October 01, 2023 - 08:27 AM

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

PHOTOS: Facebook/ABS-CBN

NAGTIPON-TIPON ang mga bigatin at naglalakihang mga bituin ng Kapamilya network sa pinakainaabangang ABS-CBN Ball 2023.

Naganap ito noong September 30 sa Makati Shangri-La hotel kung saan ipinagdiriwang ang achievements ng Kapamilya stars sa entertainment industry.

Ito ang first comeback ng ABS-CBN Ball mula pa noong 2018 at kasunod ng mga naging hadlang na dala ng pandemya at nang tanggihan ang network ng broadcast franchise noong 2020.

At dahil limang taon nga bago ibinalik ang nasabing event, nagpatalbugang rumamapa sa red carpet ang ilang paborito nating mga artista!

Baka Bet Mo: Ruffa pasabog ang OOTD sa ABS-CBN Ball 2023: ‘Just wait and see!’

Narito ang ilan sa mga pasilip ng kanilang mga magarbong kasuotan:

Jodi Sta. Maria

“Vision in white” ang naging peg ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa kanyang backless long gown.

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Maricel Soriano

Simple but elegant naman ang look ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa kanyang all black off-shoulders gown.

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Daniel Padilla

Astig na astig sa kanyang edgy look ang aktor na si Daniel Padilla na tinernuhan pa ng kanyang iconic shades ang kanyang kasuotan.

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Kathryn Bernardo

Mapapalingon ka naman talaga sa seksing suot ng Box-office Queen na si Kathryn Bernardo.

Makikita sa kanyang suot na may pagka-modern day warrior princess ang kanyang tema.

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Ivana Alawi

Effortlessly gorgeous ang vlogger-actress na si Ivana Alawi na all-white ang peg sa kanyang long gown na may pa-perlas pa na details.

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Maymay Entrata

Kabog na kabog ang pulang long gown ng multi-talented na si Maymay Entrata na mala-high fashion queen ang kanyang peg sa OOTD.

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Andrea Brillantes

Puno ng glitters at naka-red gown din ang suot ng Kapamilya young star na si Andrea Brillantes.

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Coco Martin, Julia Montes

Tila twinning ang naging OOTD ng real-life couple na sina Julia Montes at Coco Martin na naka-all black outfit.

Hawak-kamay din silang rumamapa sa red carpet ng event.

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

BGYO

Black and white ang tila naging tema ng Pinoy Pop group na BGYO kung saan makikita sa picture na ang ilan sa kanila ay naka-all white habang ang iba ay naka-all black sa kanilang tuxedos.

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Regine Velasquez, Ogie Alcasid

Glamoroso din sa kanyang mala-Finiana look with a twist ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, habang poging-pogi naman sa kanyang formal wear ang mister nito na singer-actor na si Ogie Alcasid.

TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

KZ Tandingan, TJ Monterde

Cool na cool sa twinning elegant outfits ang mag-asawang singer na sina KZ Tandingan at TJ Monterde.

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Maris Racal, Rico Blanco

Present din sa event ang mag-dyowa na sina Maris Racal at Rico Blanco.

Kinang kung kinang ang naging look ng aktres na suot ang kulay ginto at asul na long gown.

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Baron Geisler

Super happy ang batikang aktor na si Baron Geisler na naka-all black din ang kasuotan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakadalo muli ang aktor makalipas ang 14 years na ma-ban siya sa engrandeng event.

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Maja Salvador, Rambo Nunez

Yayamanin naman ang naging look ng aktres na s Maja Salvador sa kanyang black satin na may white “tulle” sa kanyang gown.

Kasama niya ang kanyang mister na si Rambo Nunez na dashing-looking sa kanyang formal wear.

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Catriona Gray

Mala-classic Hollywood style naman ang peg ni Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Joshua Garcia

Dashing at super gwapo din ni Joshua Garcia na naglakad sa red carpet.

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Seth Fedelin, Francine Diaz

Magkasama rumampa sa event sina Francine Diaz at Seth Fedelin na eleganteng-elegante sa kanilang look.

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Donny Pangilinan, Belle Mariano

Mapapa-wow naman kayo sa naging kasuotan ng love team couple na sina Belle Mariano at Donny Pangilinan na tila may prinsesa at prinsipe na dumating sa event.

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Kim Chiu

Ang napiling attire naman ng Chinita Princess na si Kim Choiu ay isang bejeweled corset dress na may pagka-nude ang kulay.

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

Related Chika:

Hugot ni Jinkee: Bitterness is a poison to your soul, jealousy kills your happiness

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baron Geisler imbitado uli sa ABS-CBN Ball matapos ma-ban ng 14 years: I won’t mess it up!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending