Sharon may ‘mega’ comeback sa ABS-CBN makalipas ang 2 taon
MARAMI na ang nag-aabang sa bonggang proyekto ni Megastar Sharon Cuneta!
Ito ay matapos siyang magbalik sa Kapamilya network noong July 3, kung saan mainit siyang sinalubong ng ilang big bosses.
Kabilang na riyan ang ABS-CBN chief operating officer na si Cory Vidanes, Star Magic head Laurenti Dyogi, pati na rin ang Dreamscape heads na sina Kylie Manalo-Balagtas at Rondel Lindayag.
Kasabay niyan, kinumpirma na magkakaroon ng upcoming “mega” series ang batikang singer-actress makalipas ang dalawang taon.
Hindi pa ibinubunyag ang detalye sa gagawing comeback project ni Sharon, pero tila nagbigay na siya ng clue.
“‘Yung makakasama ko ay isang mahal na mahal ko. Hindi na kayo magugulat kapag nalaman niyo,” sey niya sa ABS-CBN News.
Chika pa niya, “’Yung iba naman, first time kong makakasama. More than anything, it’s me being back in my home station.”
Patuloy pa ng singer, “Who wants to be anywhere but home? They’re such a big part of my professional and personal history.”
View this post on Instagram
Kung maaalala, nag-hiatus muna sa paggawa ng teleserye ang Megastar dahil sa kanyang hip injury.
“Health matters but it’s manageable now,” sambit niya.
Nabanggit din ni Sharon na bukod sa proyekto, abala din daw siya sa kanyang anak na si Miel na malapit nang magpunta ng US para doon mag-college.
“I went through it with KC, I went through it with Frankie,” kwento niya.
Dagdag pa niya, “I don’t mind getting old, but I mind my children growing up. I mean, they’ve grown up so fast and it’s just going to get quicker.”
Magugunitang noong 2022 ang huling TV project ni Sharon kung saan gumanap siyang bilang First lady Aurora Guillermo-Hidalgo sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Samantala, ang recent film project naman niya ay ang “Family of Two” kasama si Alden Richards na naging official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.