Sharon sa mga nagwi-wish na mapanood siya sa GMA: 'Du'n naman ako galing at never nawala ang love and respeto nila sa 'kin' | Bandera

Sharon sa mga nagwi-wish na mapanood siya sa GMA: ‘Du’n naman ako galing at never nawala ang love and respeto nila sa ‘kin’

Ervin Santiago |March 07,2023
facebook
share this

Sharon sa mga nagwi-wish na mapanood siya sa GMA: ‘Du’n naman ako galing at never nawala ang love and respeto nila sa ‘kin’

Ervin Santiago - March 07, 2023 - 11:06 AM

Sharon sa mga nagwi-wish na mapanood siya sa GMA: 'Du'n naman ako galing at never nawala ang love and respeto nila sa 'kin'

Sharon Cuneta

MARAMING nanghihikayat kay Megastar Sharon Cuneta na sa GMA 7 na lang siya lumipat ngayong wala na siyang exclusive contract sa ABS-CBN.

Matapos ngang i-announce ng actress-TV host na “free agent” na siya ngayon makalipas ang mahigit tatlong dekada sa ABS-CBN, ay pwede na siyang magtrabaho sa ibang network.

Ibig sabihin, maaari nang tumanggap si Sharon ng mga proyekto bukod sa Kapamilya station kaya naman super excited na siya na makasama at makatrabaho ang mga celebrities mula sa ibang network.

“It’s time I opened myself up to other stations that may need my services, while always keeping my Kapamilya ‘duties,’ if and when they come.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


“One goes only where one is needed. (And no, wala pa akong nakakausap na kahit sino mula sa kahit anong istasyon, for the record lang po.)

“I love you, ABS-CBN. My memory and loyalty are unquestionable. But a girl’s gotta work where she can and where she’s wanted. See you again hopefully soon, whenever you may need me!” ani Mega.

Sa kanyang Instagram post recently, may isang netizen ang nagtanong kay  Mega, “Is that a sign that you would be working somewhere else? Maybe back to GMA?”

Sagot ni Sharon sa kanya, “For the record, I have not spoken to anyone from any other station. I just have no work yet at ABS-CBN. Seven months na. For the first time.”

Ayon naman sa isang Sharonian, “Sana mag GMA ka nalang po mega. Baka dun maibalik nila ang talkshow mo like tito boy abunda. At baka mabigyan ka ng magandang teleserye na deserve mo nman tlga.

“Mahal ka ng GMA alam ko yun kasi sa gma supershow ka tlga nag start mag co-host with kuya germs. Sana lang tlga mega sa gma ka na, para fresh tlga ang start mo ulet ng pagbabalik mo sa TV.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


“Goodluck mega support ka nmin mga fans mo all the way! God bless u more po,” ang mensahe kay Mega ng nasabing fan.

Ito naman ang reply sa kanya ni Sharon, “Du’n naman ako galing and dami akong kaibigan dun never nawala love & respeto nila sakin. Kapamilya lang nga ako ng over 3 decades pero naggeguest pa rin naman ako sa GMA.”

Dagdag pang tugon ng aktres at singer, wala naman daw siyang pinipiling network ngayon basta ang mahalaga ay “matino ang trabaho.”

At kung mabibigyan daw siya uli ng ABS-CBN ng bagong project, “Naku ang saya-saya ko lang pag binigyan nila ako ng trabaho.”

Sinagot din niya ang isang Kapamilya fan na nagsabing sana’y huwag na siyang umalis sa ABS-CBN, “Kakasabi ko lang kapamilya nga ako and always will be. Pero ang pamilya ‘di puede isa lang nagmamahal dapat nagmamahalan di ba?”

Angel Aquino natulala sa taping: Ang husay ni Mega, ang husay ng lahat dito sa Probinsyano…lagi akong starstruck!

Sharon, Kiko halos 4 na oras pumila bago nakaboto: We pray that God will bless our country with leaders who will do what is best for all of us

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mega hindi papayag na basta na lang mabura ang tambalang Sharon-Gabby sa showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending