Sharon, Kiko halos 4 na oras pumila bago nakaboto: We pray that God will bless our country with leaders who will do what is best for all of us | Bandera

Sharon, Kiko halos 4 na oras pumila bago nakaboto: We pray that God will bless our country with leaders who will do what is best for all of us

Ervin Santiago - May 09, 2022 - 03:15 PM

Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan

SABAY na bumoto si Megastar Sharon Cuneta at ang kanyang asawang si vice presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan sa Silang, Cavite.

Tulad ng mga ordinaryong tao, pumila rin ang mag-asawa ng halos tatlong oras bago makapasok sa kanilang voting precinct na matatagpuan sa Inchican Elementary School sa Silang, Cavite.

Pero siyempre, hindi talaga maiiwasan ang mga eksenang bigla na lang may lalapit na residente para makapagpa-picture sa kanila na game na game namang pinagbibigyan nina Kiko at Mega.

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Sharon ang mga litrato nilang mag-asawa pagkatapos bumoto kalakip ang muling paalala sa lahat ng Filipino na maging wais at responsable sa pagboto.

Tweet ng actress-singer, “Today is the day that we have all been waiting for.”

“Ito sa mga anak natin at mga kapwa Pilipino sa buong mundo. Today we all line up as responsible citizens of the Philippines.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

“And we pray that God will bless our country with leaders who will do what is best for all of us,” mensahe pa ng Megastar.

Inamin din ni Sharon na may kaba at nerbiyos siyang naramdaman bago siya bumoto kaya naman ang pakiusap niya sa lahat ng botante na maging mapagmatyag ang bantayan ang kanilang boto.

Pero sey ni Mega, handa naman ang pamilya nila ni Kiko sa anumang kalalabasan ng halalan basta’t magiging fair din ang labanan.

Sa isa naman niyang IG post, ibinahagi niya ang mga daliri nila ni Sen. Kiko na may indelible ink. Aniya sa caption, “Done voting!!! Happily stayed in line with other voters for just a few minutes short of four hours.

“Met so many nice people who had their pics taken with us. Maraming salamat po especially to all our volunteers, all our brave and patient teachers, and all our supporters! May Almighty God bless the Philippines!!!” sabi pa ni Mega.

Nauna rito, ipinagdiinan ni Sharon na hindi niya kailanman wawasakin ang tulay sa pagitan nila ni Sen. Tito Sotto na isa sa mahigpit na kalaban ni Kiko sa pagka-vice president.

“I have been doing this for so long. Let us now take things personally. Let them enjoy and support who they want to.

“You know I cannot comment because one is my sun and the other is my moon. It will always remain dear to me but I am a wife of Kiko and I am expected to campaign for him,” paliwanag ni Mega nang tanungin tungkol sa paglaban ng kanyang asawa kay Tito Sen.

https://bandera.inquirer.net/281928/sharon-pinipilit-si-kiko-na-magpakulay-ng-buhok-hindi-ko-matatanggap-na-katabi-ko-lolo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294914/sharon-nagpakita-ng-suporta-sa-pagtakbo-ni-sen-kiko-sa-2022-im-here-for-you-and-i-love-you

https://bandera.inquirer.net/305285/angel-pinaratangan-nang-manawagan-sa-wais-na-pagboto-huwag-nyong-bolahin-ang-mga-tao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending