Enrique Gil magbabalik na sa showbiz matapos ang 2 taon Bandera

Enrique Gil magbabalik na sa showbiz matapos ang 2 taon

Therese Arceo |July 15,2022
share this

Enrique Gil magbabalik na sa showbiz matapos ang 2 taon

Therese Arceo - July 15, 2022 - 02:08 PM

Enrique Gil magbabalik na sa showbiz matapos ang 2 taon
COMEBACK is real para sa Kapamilya actor na si Enrique Gil matapos ang dalawang taong pamamahinga mula sa pag-arte.

Spotted ang aktor na nakikipag-meeting sa mga ABS-CBN executives nitong Huwebes, July 14.

Marami sa mga LizQuen fans ang labis na natuwa nang makita ang ipinost na larawan ng ABS-CBN Films Head Kriz Gazmen sa Twitter kasama si Enrique.

“So excited! Look who’s back!” saad niya na may kasama pang hashtag na “ItsAboutDamnTime”.

Bukod kay Kriz Gazmen, present rin ang Star Magic at ABS-CBN TV Production Head na si Lauren Dyogi. Maging ang ina ni Enrique ay makikita sa larawan.

Matatandaang ang huling pinagbidahang proyekto ng aktor ay ang teleseryeng “Make It With You” kasama ang kanyang longtime girlfriend at onscreen partner na si Liza Soberano.

Sa kasamaang palad ay natapos ang teleserye dahil na rin sa COVID-19.

Bagamat wala nang ibang ibinigay na detalye ukol sa bagong proyekto ni Enrique ay excited na ang mga fans at ngayon pa lang ay nagpapakita na ng suporta para sa binata.

Marami rin ang tila curious kung magiging solo project ba ito, o kasama niya ba si Liza, o di kaya’y kung may bago siyang makakapareha.

Matatandaang na-spill noon ni Ogie Diaz na nag-expire na ang kontrata ni Liza sa Star Magic.

Kasalukuyan naman nang nasa pangangalaga ng talent agency ni James Reid si Liza kaya wala na ring update ang dating talent manager ng aktres kung ano ang mga future Kapamilya projects nito.

Ngunit pag-amin niya, bago pa man ang non-renewal ni Liza ng kontrata ay aktibo ang ABS-CBN executives sa pagpi-pitch ng posibleng proyekto para sa dalawa.

Nang i-check rin namin ang ilang tweets ng netizens, may mga nagre-request at nagtatanong kung makakasama nga ba ni Enrique ang nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa proyekto.

Pero giit naman nila, kahit ano pa man at sino man ang makasama ng aktor sa bagong proyekto ay suportado nila ito.

Related Chika:
Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN, tutuloy pa kaya bilang Kapamilya?

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN; Enrique Gil lilipat na sa GMA 7?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending