Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN; Enrique Gil lilipat na sa GMA 7? Bandera

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN; Enrique Gil lilipat na sa GMA 7?

Reggee Bonoan |May 29,2022
share this

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN; Enrique Gil lilipat na sa GMA 7?

Reggee Bonoan May 29, 2022 - 03:53 PM

Enrique Gil at Liza Soberano

BUWAG na ba ang tambalang LizQuen? Ito ang tanong ng netizens simula nang aminin ng vlogger-talent manager na si Ogie Diaz na hindi na siya ang may hawak sa showbiz career ni Liza Soberano.

Kamakailan kasi ay nag-viral ang mga larawan nina James Reid at Liza na dumalo sa isang Hollywood event sa Amerika na siyang naging ugat ng tsismis na baka raw hiwalay na ang aktres sa boyfriend niyang si Enrique Gil na kasakukuyang nasa Spain ngayon kasama ang pamilya.

Nakagugulat nga naman kasi na hindi kasama ni Quen si Liza gayung may family event pala ang aktor. Pero itinanggi na nga ito ni Ogie dahil bago raw umalis ang aktor ay nag-dinner pa sila ng aktres.

Idinahilan din na kaya hindi sumama si Liza ay dahil gusto nitong bumoto bilang first time voter noong May 9. Umalis daw sina Quen ng May 8 kaya hindi talaga makakasama ang dalaga.

Pagkatapos ng botohan ay nakitang nasa Amerika na si Liza at si James nga ang kasama at dito na inamin ni Ogie na ang singer-actor kasama ang kanyang team ang bagong manager ng aktres.

Inilatag din ni Ogie na wala nang kontrata si Liza sa Star Magic, Star Cinema at ABS-CBN pero ayon sa aktres ay gagawa pa rin siya ng serye sa Kapamilya network kung may offer.

Kaya ang tanong, bukod sa sumama ba ang loob ni Ogie sa hindi na pag-renew ni Liza ng management contract sa kanya ay ano na ang magiging kapalaran ng LizQuen?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


Saan na papunta si Enrique at posible bang magpa-manage na rin siya kay James dahil best of friends din pala sila during the glory days of JaDine loveteam.

Ang paliwanag ni Ogie sa kanyang vlog na in-upload ngayong araw sa YouTube channel niya, “I cannot speak for Enrique pagdating sa kanyang career. Nu’ng una may usapan kami na iko-co-manage ko si Enrique pero siyempre ang pagko-co-manage namin pag mayroon akong raket na puwedeng ibigay palang. Pero ang management ni Enrique ay ang Star Magic,” anang vlogger.

Sa tanong ng co-host ni Ogie na si Mama Loi, paano kung nag-expire na ang kontrata ng aktor sa Star Magic, “Iyon ang hindi natin alam,” sambit ng ex-talent manager ni Liza.

Susundan kaya ni Quen si Liza sa talent management ni James?

“Ayun ang hindi natin alam kung magre-renew sa Star Magic or mag-iiba ng management outside ABS-CBN,” sabi ni Ogie.

Biro ni Mama Loi kay Ogie, “Parang may alam ka rin ulit.  Ganyan-ganyan ka rati kay Liza.”

Hinila ni Ogie ang buhok ni Mama Loi na natatawa, “Alam mo tatawag na naman ang mga taga-ABS sa akin.”

“Alam mo ganyan-ganyan, eh. Déjà vu, eh! Ha-hahahaha!” tumatawang saad ni Mama Loi.

“Basta wini-wish ko ng good luck ang LizQuen sa kanilang pakikipag sapalaran nila,” say ni Ogie.

Anyway, kamakailan ay may viral na blind item na may influential actor na lilipat na raw sa Kapuso network. Binasa namin ang lahat ng comments ng netizens at pangalan ni Enrique Gil ang binanggit.

Sa madaling salita kapag totoo ito, buwag na talaga ang LizQuen sa TV shows kasi si Liza ay nangakong sa Kapamilya network lang gagawa ng series o show.

Kaya abangan na lang natin kung magiging Kapuso na rin si Enrique o mananatili pa ring Kapamilya sa pagpapatuloy ng kanyang showbiz career ngayong 2022.

Ogie sa secret wedding daw ng LizQuen: Totoo ba ‘to? Ako ‘yung manager hindi ko alam?!

Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings

Ogie Diaz kinontra ng netizens; Liza, Enrique may picture na sa ABS-CBN hallway

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending