Melai Cantiveros ‘napabulagta’ nang makita si Jericho Rosales

Melai Cantiveros ‘napabulagta’ nang makita ang ultimate crush na si Jericho Rosales

Pauline del Rosario |October 06,2023
facebook
share this

Melai Cantiveros ‘napabulagta’ nang makita ang ultimate crush na si Jericho Rosales

Pauline del Rosario - October 06, 2023 - 09:31 AM
Melai Cantiveros ‘napabulagta’ nang makita ang ultimate crush na si Jericho Rosales
PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco

GOOD vibes at marami ang napatawa sa latest video ng comedienne-actress na si Melai Cantiveros.

Paano ba naman kasi, kwelang-kwela ang naging reaksyon ni Melai nang makasama ulit sa personal ang ultimate crush niya na si Jericho Rosales.

Ang pagkikita ng dalawa ay nangyari after ng mga pagrampa sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023.

Sa video na ibinandera ng Kapamilya Online World, makikita na nilapitan muna siya ni Jericho bago halikan at yakapin.

Siyempre, hatalang kilig na kilig si Melai na halos bumulagta pa o nahimatay sa kanyang upuan. 

May eksena pa nga na gumapang pa ang komedyana sa ilalim ng upuan dahil din sa kilig.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

Maraming fans naman ang napa-comment sa nasabing video at narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Since PBB days pag si Jericho, ganyan si Melai. love you kakatuwa ka [flying kiss emoji].”

“Hahahaha tawang tawa ako parang ganyan siguro ako kay papa P.”

“G*g* bumulagta talaga siya [laughing face emoji] Kakatawa to si Melai! Hindi talaga siya nagbago ever since PBB [laughing face emoji].”

“Melai finally ultimate crush mo hinalikan ka sa pisnge sasabutan ka ng mga anak mo pag nakita nila yan hahaha.”

Sa Instagram, Makikitang ibinandera ni Melai ang ilan pa sa mga naka-bonding niya sa enggrandeng event.

Ilan lamang diyan ay sina Rob Domingo, Bianca Gonzalez, Kim Chiu, Enchong Dee, Jolina Magdangal, Maymay Entrata, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at marami pang iba.

https://www.instagram.com/p/Cx6yq7WPaDi/?img_index=1

Plinex din siyempre ng komedyana ang kanyang bonggang gown na inirampa sa ABS-CBN Ball.

Chinika ni Melai na feeling niya ay isa siyang kanta dahil sa kanyang suot.

“‘Evangeline’ ang itawag nyu sa akin [emoji] Char lang hahahaha [emojis] Feeling ko ako si evangeline sa damit ko,” wika niya sa IG.

Paliwanag pa niya, “Gusto ko kasi ang kanta ni Stephen Sanchez na ‘Evangeline’, may pagka-old na pagka-modern na song.”

https://www.instagram.com/p/Cx3AxUCRmKk/

Related Chika:

Kakai hindi pa ready magkadyowa, work-work muna: ‘I choose to be single to enjoy my life’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chiz sa pagtatambal uli nina Heart at Jericho: It’s up to you, hindi naman ako selosong tao…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending