Kakai hindi pa ready magkadyowa, work-work muna: ‘I choose to be single to enjoy my life’
INAMIN ng comedienne-actress na si Kakai Bautista na hindi pa siya handang magka-dyowa.
Nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang komedyana kamakailan lang at sinabi niya na prayoridad niya ngayon ang mag-enjoy sa buhay.
Tanong sa kanya ni Tito Boy, “Kaya mo bang mabuhay na walang lalake?”
Ang diretsang sagot ng aktres, “Sa ngayon, Oo.”
Paliwanag niya, “Pero kasi walang nabubuhay na talagang walang kasama pero I choose to be single sa phase ng buhay ko na ‘to na I’m just enjoying my life on my own. No distraction.”
“Kasi Tito Boy, late na akong nag-start na nag-enjoy sa buhay. So gusto ko munang namnamin ‘yun,” dagdag niya.
Sambit pa niya, “Parang reading-ready na ako when I fell in love again…I’m so ready because I have embraced myself wholly and whole-heartedly and completely.
“Para wala nang masyadong issues pagka nagkaroon ako ng love life,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Kakai: Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything…we are powerless
Nabanggit din ni Kakai na lagi niyang inuuna ang kanyang trabaho at itoi raw ang madalas na nagiging problema ng mga dati niyang naging karelasyon.
“I think I was really in love with some men, pero siguro ‘yung iba,” sambit ng aktres.
Patuloy niya, “Alam mo ko na masarap ‘yung ganito, ganyan, ‘yung may makakausap ka. Pero ‘yung commitment ko and then ‘yung understanding ko.
“Kasi ako Tito Boy, sa mga past ko na non-showbiz, ang naging problema sa mga relationships ko hindi ko kayang ipagpalit ang trabaho ko,” saad din ng aktres.
Ani pa niya, “So hindi ko mahati ang love sa work.”
Related Chika:
John Lloyd hindi pa handang maging tatay nang isilang si Elias; pero gustong ma-in love uli
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.