Willie Revillame handang rumesbak para kay Vhong Navarro sa kinakaharap na kaso, chika ni Cristy Fermin Bandera

Willie Revillame handang rumesbak para kay Vhong Navarro sa kinakaharap na kaso, chika ni Cristy Fermin

Therese Arceo |September 23,2022
share this

Willie Revillame handang rumesbak para kay Vhong Navarro sa kinakaharap na kaso, chika ni Cristy Fermin

Therese Arceo - September 23, 2022 - 12:47 PM

Willie Revillame handang rumesbak kay Vhong Navarro sa kinakaharap na kaso, chika ni Cristy Fermin

SIMULA pa raw noon ay palagi nang handang umagapay ang TV host at businessman na si Willie Revillame para kay Vhong Navarro.

Nang mabugbog nga ito noong 2014, taon kung saan nagsimula ang legal battle sa pagitan ng “It’s Showtime” host at kampo ni Deniece Cornejo ay nandyan na si Kuya Wil para tumulong.

Matatandaang nagbigay noon ng tseke si Willie na nagkakahalaga ng isang milyon para makatulong kay Vhong.

At muli nga itong naungkat nang magbigay opinyon ang kolumnistang si Cristy Fermin sa muling pagkabuhay ng kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece laban kay Vhong.

Aniya, may napanood nga raw siya sa isang vlog at may nabasa rin siya sa pahayagan na handa raw si Kuya Wil na tulungang muli ang komedyante.

“Alam niyo po, hindi lang ngayon. Eto po ah, hindi na ako magpapaalam kay Willie Revillame pero totoo at alam ko po ang katotohanan. Dumalaw po sa Willie Revillame noon sa ospital, kay Vhong Navarro, nag-iwan siya ng P1 million na tseke,” lahad ni ‘Nay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Pagpapatuloy niya, “Ang sabi niya kay Vhong, ‘Lipat ka ng kwarto, ‘yung mas malaki. Kasi napakaliit nito, kapag sabay-sabay na dumalaw ang mga kasamahan at kaibigan mo, mapupuno.’ Tapos ‘yung mga doktor, parang magkakapalitan na sila ng mukha. Nag-iwan ng isang milyon na tseke si Willie Revillame, hindi lang po ngayon. Noon pa man po.”

Kasunod nito ay ang pagkukuwento niya na hindi raw nabanggit ng “It’s Showtime” host ang pangalan ni Kuya Wil sa kanyang mga pinasalamatang tao na tumulong sa kanya.

“Noong umalis si Willie… noong magpasalamat po si Vhong Navarro sa Showtime sa mga taong tumulong sa kanya ay sumuporta, hindi niya binanggit ang pangalan ni Willie Revillame at lumabas ang kwentoay kaya daw hindi nabanggit ay dahil bawal,” chika pa ni ‘Nay Cristy.

Bagamat ganoon ang nangyari ay hindi na raw ito pinansin ni Kuya Wil dahil ugali na raw nito na kapag nakapagbigay na ito ng tulong ay wala na raw ito sa kanya.

Samantala, bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Willie patungkol sa kumakalat na chikang pagtulong niya kay Vhong hinggil sa muling pagkabuhay ng kanyang mga kaso na isinampa ng kampo nina Deniece.

Related Chika:
Vhong napaiyak nang bigyan ni Willie ng P1-M bilang tulong matapos mabugbog at maospital

Vhong isa sa mga artistang natulungan ni Willie; lamang-loob ng manok ang handa sa birthday

Vhong Navarro kinampihan ng ex-wife na si Bianca Lapus: The truth will prevail, walang iwanan…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending