Vhong napaiyak nang bigyan ni Willie ng P1-M bilang tulong matapos mabugbog at maospital Bandera

Vhong napaiyak nang bigyan ni Willie ng P1-M bilang tulong matapos mabugbog at maospital

Reggee Bonoan |February 01,2022
share this

Vhong napaiyak nang bigyan ni Willie ng P1-M bilang tulong matapos mabugbog at maospital

Reggee Bonoan - February 01, 2022 - 02:47 PM

Vhong Navarro at Willie Revillame

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol sa pagbati ni Vhong Navarro noong kaarawan ni Willie Revillame, Enero 27 sa programa nitong “Wowowin:  Tutok to Win” kasabay na rin ng kanyang pasasalamat.

Ayon kay Vhong, “May mga pagkakataon na nagbibigay ka ng tulong na kahit hindi hinihingi sa ‘yo at isa ako sa naka-experience nu’n.”

Walang binanggit ang “It’s Showtime” host kung anong tulong ang nagawa sa kanya ni Willie at dahil dito ay marami ang na-curious kung ano iyon kaya naman ang batikang manunulat na si ‘Nay Cristy Fermin ang inulan ng text message at tawag kung ano nga ba ang nagawa ng TV host kay Vhong.

Base sa kuwento ng “Cristy Ferminute” host nitong Enero 31 kasama si Romel Chika, “Ngayon ko pa lang ito sasabihin sa buong CFM na sinusundan n’yo. Maraming taon na po ang nakararaan ay nasangkot po sa isang kontrobersiya si Vhong Navarro, ito po ‘yung tungkol sa isang babae at bugbugan sa elevator na humantong pa sa korte.  Pinaglabanan sa korte ang isyu na yan.”

Ang kontrobersiyang binanggit ay ang pambubugbog kay Vhong ng mga kalalakihan sa isang condominium unit noong Enero 22, 2014 dahil pinagbintangan ang komedyante na ni-rape si Deniece Cornejo na kaibigan ng negosyanteng si Cedric Lee.

Dahil sa matinding tama sa buong katawan ni Vhong ay kinailangan siyang ma-confine sa hospital at dito siya dinalaw ni Willie.

Sa pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Si Willie po ay nagpunta kay Vhong sa hospital, nu’ng makita niya ‘yung kuwarto ni Vhong nag-isip siya.

“‘Ang liit-liit ng kuwarto ni Vhong,’ ika niya (Willie). Pag pumunta roon ang mga imbestigador, ang kanyang mga abogado at ang kanyang mga doktor magkakapalitan na halos ng mukha hindi na magkakagalawan sa liit.

“So, pinalipat niya si Vhong sa mas malaking kuwarto. Tapos nu’ng aalis na siya nag-ipit siya ng tseke kay Vhong Navarro tapos biglang umalis. Umiyak si Vhong, hulaan mo magkano ‘yung nasa tseke?” tanong ni Nay Cristy.

Sabi naman ni Romel Chika, “Naku, kung iiyak ka magkano ba laman n’yan nanay? Sana all na lang talaga. Mapapa-sana all ka ba diyan talaga?”

“Anak, one million pesos! E, hindi ‘yun makakalimutan ni Vhong kahit kailan. Kasi unang-una hindi naman siya humihingi. Ito naman si Willie siyempre nakita niya ‘yung itsura ni Vhong talagang black and blue puro hematoma ang mukha tapos ang liit ng kuwarto. 

“Ganu’n naman si Willie kapag talagang kailangan, nagbibigay siya. Napaluha si Vhong Navarro,” kuwento pa ng batikang host at manunulat.

Aba’y talagang mapapaluha ka talaga sa tulong ni Willie at mapapa-sana all na lang talaga!

Vhong isa sa mga artistang natulungan ni Willie; lamang-loob ng manok ang handa sa birthday

Basher tinuruan ng leksyon ni Vice: You’re a bad example to the Christian nation!

Mura inaming hindi pa nakakarating ang tulong ni Vhong; may warning sa mga naninira sa kaibigan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending