Jewel Mische 2 beses ikakasal sa dyowang Amerikano | Bandera

Jewel Mische 2 beses ikakasal sa dyowang Amerikano

Ervin Santiago |October 29,2014
facebook
share this

Jewel Mische 2 beses ikakasal sa dyowang Amerikano

Ervin Santiago - October 29, 2014 - 03:00 AM

jewel mishe
IKAKASAL na  ang dating Starstruck survivor na si Jewel Mische sa kanyang American boyfriend. Ayon sa aktres na naging Kapamilya star matapos layasan ang GMA 7, isang winter wedding ang magaganap sa Michigan.

Kuwento ni Jewel nag-propose sa kanya noong December, 2013 ang dyowa niyang si Alister, “Yes we will have a winter wedding. It’s our favorite season. “Nakita ko sa kanya na ‘oh my pag-asa pa lang mag-exist ang ideal man ko. We both knew we will get married.

He’s the most amazing man I’ver met,” sey ng aktres sa interview ng ABS-CBN. Bukod sa kasalan sa US, magkakaroon din ng wedding ang dalawa dito sa Pilipinas next year para makadalo naman ang mga kaanak at kaibigan ni Jewel na hindi makaka-attend sa una nilang pag-iisang dibdib.

Isang Francis Libiran gown ang isusuot ni Jewel sa US wedding. Naikuwento rin ni Jewel na iikutin nila ng kanyang fiance ang iba’t ibang lugar sa mundo for their honeymoon.

Kung matatandaan, balitang naging karelasyon noon ng Kapamilya actress sina Jason Abalos at Richard Gutierrez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending