Vice Ganda naiyak sa sinapit sa isang airlines: Grabeng pang-aabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito! | Bandera

Vice Ganda naiyak sa sinapit sa isang airlines: Grabeng pang-aabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito!

Therese Arceo - October 25, 2023 - 04:38 PM

Vice Ganda naiyak sa sinapit sa isang airlines: Grabeng pang-aabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito!
HINDI napigilan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang maiyak dahil sa hindi magandang sinapit nila ng partner na si Ion Perez sa isang airlines.

Sa pamamagitan ng isang tweet ay ibinahagi ng “It’s Showtime” host ang kanyang pagkadismaya sa kanilang naranasang overbooking habang pabalik sila ng Maynila.

“GRABE KA@flyPAL!!! Grabeng pang-aabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito!!! Bakit kayo ganyan???” inis na sabi ni Vice.

Kaya naman pala imbyerna ang Unkabogable star dahil hindi ito ang unang pagkakataon na naranasan nila ang naturang insidente.

“Ilang beses nyo kaming pinaranas ng overbooking sa puntong di nakasakay ang kasama namin. Ngayon ako naman ang nawalan ng upuan!” dagdag pa ni Vice kasama ng napakaraming angry emojis.

Sa hiwalay na tweet ay sinabi nitong napakapangit ng serbisyo ng naturang airline.

Baka Bet Mo: Vice Ganda umaming nagsawa sa paulit-ulit na guest sa ‘GGV’: ‘Isa yun sa mga rason kaya I decided to sign off’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sistema nyo na ba talaga ang overbooking @flyPAL??? Alam n’yo ba kung gaanong stress ang idinudulot n’yo sa pasaherong di nakakasakay sa binook at binayaran n’yang [flight]? May damdamin pa ba kayo ng malasakit para sa pasahero? Pera pera?” inis pa ring tweey ni Vice.

Base sa larawang ibinahagi ng komedyante ay pauwi na sila ni Ion kasama ang iba pang mga kaibigan mula sa Bangkok, Thailand.

Nag-reply naman ang naturang airlines sa tweet ni Vice.

“We would like to express our apology for the disruption and inconvenience you have faced during what should have been a joyful journey. We truly understand your frustration, and we are genuinely sorry for the trouble this has caused you.

“Your concerns about overbooking have not gone unnoticed. We are here to assure you that we take your feedback to heart and are committed to looking into this matter immediately,” sagot nito sa reklamo ni Vice.

Dagdag pa nito, “We were able to retrieve your booking details, and we are already in the process of investigating the issue with our Bangkok station.

“We greatly appreciate your patience and understanding as we work diligently to resolve this matter for you. Expect to hear from us with updates as soon as we receive information from our Bangkok station. Thank you.”

Ngunit imbes na masagot ang kanyang hinaing ay mas lalo pang nainis si Vice sa naturang airlines.

“Pinapalitan nyo ng lungkot at buwisit ang saya na dulot ng excitement sa bawat trip at ligaya ng bawat nabuong memories sa trip ng dahil sa napakapanget nyong sistema!

Masaya sana ang bawat alis at pag uwi kung meron kayong malasakit!” sey ni Vice.

Pagbabahagi pa niya, naiyak raw siya habang tumatakbo makaabot lang sa flight na muntikan na niyang ‘di masakyan dahil sa overbooking ng airlines.

“Walang halong biro naiyak ako habang tumatakbo para umabot ako sa flyt na muntik kong di masakyan dahil nagoverbook kayo. Si Ion inabutan kong mukhang kawawang nasa pinto ng eroplano dahil ayaw nyang sumakay kung di ako makakasakay. Yun ang ginawa nyo sa amin,” kuwento ni Vice.

Muli namang sumagot sa tweet niya ang namamahala ng social media page ng airlines sg nagpaliwanag.

“Hi, Vice. We deeply regret the recent incident during your recent flight with us and would like to offer a clear explanation of the situation.

“First and foremost, we want to clarify that the flight was not overbooked, and we operate with the utmost commitment to safety. During pre-flight safety checks, two business class seats were identified as unserviceable due to safety concerns, rendering them unfit for passenger use.”

At dahil nga raw sa nangyari ay isa si Vice sa mga pasaherong na-downgrade ang upuan mula sa business class papuntang economy class upang masiguro ang safety at operational integrity ng flight.

Paliwanag ng airline, “We acknowledge that this may have been inconvenient and we extend our sincere apologies for any discomfort you experienced.”

Ngunit may dalawang pasahero raw ang pumayag sa kanilang downgrade offer jsga balik sila Vice sa business class.

“We appreciate your patience and cooperation during this situation. Your feedback is invaluable, and we are dedicated to improving our communication and services for the benefit of all our passengers. If you have any further concerns or suggestions, please do not hesitate to reach out to us directly. Thank you for your understanding, and we appreciate your continued support as we strive to enhance the travel experience for everyone.”

Samantala, umalma naman si Vice sa pagpapaliwanag ng naturang airline.

“Hindi yan ang sinabi sakin sa counter! Ang sabi ng staff ‘THE FLIGHT WAS OVERBOOKED AND MY SEAT WAS GIVEN TO ANOTHER PASSENGER.’ MAG BATO BATO PICK NA LANG KAYO NG STAFF SA COUNTER KUNG SINO SA INYO ANG PAL-PAK! YUNG PANALO LIBRE KO NG ROUND TRIP TICKET VIA CATHAY PACIFIC!” hirit pa ng “It’s Showtime” host.

Wala pa namang naging sagot ang naturang airline sa huling sinabi ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vice Ganda basag na basag kay Juan Ponce Enrile: ‘Akala mo maganda ang ginagawa mo…bastos ka, bastos kang tao!’

Vice Ganda, Ion Perez sinampahan ng kasong kriminal ng ‘social media broadcasters’ dahil sa ‘pagsubo ng icing’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending