Coleen itinanggi ang chikang nalulong sa sugal si Billy

Coleen Garcia itinanggi ang chikang nalulong sa sugal si Billy Crawford: No! Saan nanggaling ‘yun?

Pauline del Rosario |September 21,2023
facebook
share this

Coleen Garcia itinanggi ang chikang nalulong sa sugal si Billy Crawford: No! Saan nanggaling ‘yun?

Pauline del Rosario - September 21, 2023 - 04:46 PM

Coleen Garcia itinanggi ang chikang nalulong sa sugal si Billy Crawford: No! Saan nanggaling ‘yun?

PHOTO: Courtesy Instagram/@coleen

WALANG kaalaman-alam ang TV host-actress na si Coleen Garcia na nachi-chismis na pala ang kanyang mister na si Billy Crawford.

Usap-usapan kasi kamakailan lang na nalululong umano sa sugal ang “The Voice Generations” coach.

Dahil diyan, nagkaroon ng pagkakataon ang ilang entertainment press na tanungin si Coleen tungkol dito sa naganap na Black Carpet ng Preview Ball 2023.

Tila nagulat at nabigla pa nga ang aktres at nilinaw na hindi sila nagsusugal ni Billy.

“Hindi kami nagga-gamble, mahilig lang kami mag-mahjong sa bahay. No! Saan nanggaling ‘yun? Sobrang random n’un. Wala,” sey niya.

Baka Bet Mo: Billy ibinuking si Coleen: Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ang asawa ko!

Nabanggit din niya na matagal nang bisyo-free si Billy kaya proud na proud siya sa mister na nagtagumpay sa paglaban sa mga bisyo, partikular na ang drinking problem nito.

“Parang ang bisyo na lang niya is vape because he quit alcohol for about four years. Eight years naman ‘yung yosi,” paliwang niya.

Dagdag pa niya, “He went through withdrawals and everything. I’m so proud of him. Napanindigan niya. Kahit a single lick of alcohol, wala. Pati yosi, wala.”

“Kaya it’s kind of sad when people say that. But he’s the healthiest that he’s ever been,” aniya pa.

Kung matatandaan noong nakaraang taon, nauna nang sinabi ni Billy sa isang panayam na mula nang mag-asawa siya ay itinigil na niya ang lahat ng bisyo.

“I focused on what was important and ‘yung pinaka importante is meron na akong pamilya. I have to put my best foot forward,” sabi ng TV host.

Ani pa ni Billy, “It really changed kasi before, I used to do everything just for myself. But now, it has to be for my wife and my son.”

Matatandaang taong 2018 nang ikinasal sa Balesin ang dalawa at biniyayaan ng anak na lalaki na si Amari noong 2020.

Related Chika:

Billy pumapasok noon sa ‘It’s Showtime’ nang lasing; muntik nang hindi matuloy ang kasal nila ni Coleen

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex Calleja umaming naghirap ang pamilya dahil sa sugal; nanay na-barangay dahil hindi nakakabayad ng renta sa apartment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending