Alex Calleja umaming naghirap ang pamilya dahil sa sugal; nanay na-barangay dahil hindi nakakabayad ng renta sa apartment
NAGPAKATOTOO ang TV host at komedyanteng si Alex Calleja nang magkuwento tungkol sa mga pinagdaanan ng kanyang pamilya noong kabataan niya.
Inalala ng stand-up comedian yung mga panahong naba-barangay pa ang kanyang nanay dahil hindi na sila nakakabayad ng renta sa inuupahang bahay.
Naibahagi ni Alex ang tungkol dito sa presscon ng bagong version ng “Face 2 Face” na magsisimula na ngayong araw, May 1 sa TV5. Makakasama niya sa programa bilang main host ang actress-host na si Karla Estrada.
Kuwento ni Alex, grabe rin ang hirap na punagdaanan ng kanyang pamilya lalo na noong mga panahong wala pa siyang kakayahang magbigay ng estranged pera para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.
View this post on Instagram
Unang chika ng komedyante at writer, nagsimula silang maghirap nang malulong sa sugal ang kanyang pamilya.
“Yung family namin nahilig sa sugal. Naghirap kami dahil sa sugal. Ipinanganak akong may sugal na sa pamilya ko which is ginawa kong comedy.
Baka Bet Mo: Dating dyowa ni AJ Raval naadik sa sugal: Nagkautang-utang siya at ako ang nagbayad!
“Dito nakakita ako ng mga issue ng sugal, napabayaan ang pamilya, so medyo naka-relate ako sa may mga ganitong pinagdaanan,” pagbabahagi ng co-host ni Karla sa “Face 2 Face.”
“Kasi nag-Bingo ang nanay ko tapos napabayaan kami. Ayun, nu’ng nagkautang, siyempre, kami pinaparaharap sa naniningil,” ang sabi pa ng magaling na komedyante.
View this post on Instagram
Tandang-tanda pa raw ni Alex ang eksena kung saan kailangan niyang magsinungaling para protektahan ang kanyang nanay sa mga pinagkakautangan nito.
“Kapag tinatanong kung nasaan ang nanay mo magsisinungaling ka. Nandoon ‘yun nanay mo pero sasabihin mo wala. Kahit naiwan ang tsinelas doon, sasabihin mo lumabas na nakapaa.
“Tapos tatanungin ka, hindi mo na alam ang isasagot. Dahil pag-iba na ang tanong hindi mo masagot.
“Dahil nag-practice lang kayo kung saan siya, umalis siya, wala siya, kung saan nagpunta hindi mo alam. Dalawa lang ang alam mo.
“Tapos kapag tinanong ka kung anong oras babalik, siyempre, itatanong mo sa nanay mo, ‘Ma, anong oras ka daw babalik?’ Nagkakabukuhan,” ang natatawa pang chika ni Alex.
Pag-amin pa ng komedyante, napatawag pa noon sa barangay ang nanay niya matapos ireklamo na hindi na sila nakakabayad sa nirerentahang apartment.
“Ang nanay ko talaga ang naba-barangay kasi nangungupahan kami. Totoo ito, ayoko sana ikuwento. Ma, pasensya na po ha. Ninety-two years old na rin naman siya, eh.
“Nangungupahan kami sa apartment. Ang nagpapa-barangay sa kanya yung may-ari pag hindi kami nakakabayad. Halimbawa, seven months na, oo, totoo. ’Yung nanay ko pa yung galit.
“Sabi niya, ‘Seven months pa lang. Wala pa naman one year. So, pinapa-sherriff kami. Ipapa-sherriff tapos sa barangay muna mag-uusap, tapos hihingi ng palugit,” kuwento pa ni Alex.
Bukod dito, napuputulan din daw sila noon ng kuryente, “Kasi kapag pinuputalan ka binabaliktad ang kuntador. Binabaliktad ‘yun para nakaputol.
“Pinakikiusapan ng nanay ko na wag munang baliktarin para humaba. Nakikiusap ang nanay ko kasi apat na buwan pa lang naman,” ang tawa nang tawang pag-alala ni Alex.
In fairness, lahat ng nakakalokang experience na ito ang ginagamit ni Alex sa kanyang trabaho bilang stand-up comedian.
“Idagdag ko lang, ang laking tulong nito kasi stand-up comedian ako, di ba? Itong nakikita ko helped me to create more fun jokes mula sa isang seryosong karanasan,” sabi pa ni Alex Calleja.
Alex Calleja durog na durog sa bashers, pinatatanggal bilang hurado sa Miss Q&A ng ‘Showtime’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.