Dating dyowa ni AJ Raval naadik sa sugal: Nagkautang-utang siya at ako ang nagbayad! | Bandera

Dating dyowa ni AJ Raval naadik sa sugal: Nagkautang-utang siya at ako ang nagbayad!

Ervin Santiago |August 02,2021
facebook
share this

Dating dyowa ni AJ Raval naadik sa sugal: Nagkautang-utang siya at ako ang nagbayad!

Ervin Santiago - August 02, 2021 - 08:39 AM

Sean de Guzman at AJ Raval

DAHIL sa pagkalulong sa sugal, nagkautang-utang ang dating boyfriend ng sexy actress at Viva Artist Agency talent na si AJ Raval.

Naikuwento ng dalaga ang tungkol dito sa nakaraang virtual mediacon ng bago niyang movie na “Taya” kung saan natanong nga siya at ang mga co-stars niya kung naranasan na ba nilang tumaya o magsugal.

Dito nga inamin ni AJ na matinding stress ang na-experience niya sa piling ng dating dyowa lalo na nang maadik ito sa sugal.  

Aniya, sana raw ay mapanood ng ex niya ang pelikulang “Taya” na pinagbibidahan nila ng baguhang sexy young actor na si Sean de Guzman para tumigil na ito sa kanyang bisyo.

“Meron akong naging boyfriend na nagsusugal hanggang sa ako na ang nai-stress magbayad sa mga utang niya. Dahil sa sugal, nagkabaon-baon siya sa utang. Ako ang nai-stress na magbayad,” simulang pahayag ng anak ng dating action star na si Jeric Raval.

Aniya pa, “Kaya gusto kong ipapanood itong ‘Taya’ sa kanya para matutunan n’ya na wag maging sugapa sa lahat ng bagay. Dahil lahat ng sobra, masama.” 

Sa tanong kung kaya ba niyang itaya ang lahat para sa love, “Yes! Feeling ko naman lahat sumusugal sa pag-ibig.” 

* * *

Ikaw ba, handa ka rin bang tumaya?

Mga makamundong pagnanasa at mga buhay ang nakataya sa pinakabagong psychedelic erotic thriller Vivamax Original, ang “Taya”  na pagbibidahan nga ng “Bagong Pantasya ng Bayan” na si AJ Raval at ang “Anak ng Macho Dancer” star na si Sean de Guzman.

Ito ay tungkol kay Sixto (Sean), isang Journalism student na nakadiskubre na ang babaeng lagi niyang pinagpapantasyahan ay isa sa mga premyo sa isang online “ending” na laro.

 Agad-agad siyang tumaya at maswerte siyang nanalo sa laro. Ngunit dahil nagkamali siya sa pagtaya, hindi niya napansin na ibang babae ang kanyang natayaan; isang babaeng nagngangalang Nanette (AJ). 

Pagkatapos ng ilang sexual encounters, naadik si Sixto kay Nanette at nangakong babawiin siya sa sindikatong may hawak sa kanya na ang tingin lang sa kanya ay isang premyo na pagkakakitaan.

Mula sa dalawang VIVAMAX hit movies na “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” at “Death of a Girlfriend”, isang daring na role na naman ang gagampanan ni AJ. Sa bawat pelikula ay mas nagiging daring ang dalaga, kaya naman nakikilala na siya sa bansag na “Bagong Pantasya ng Bayan”.

At mula naman sa “Anak ng Macho Dancer”, nakakuha na naman si Sean ng lead role sa pelikula kung saan maipapakita na naman niya ang kanyang magandang katawan at galing sa pag-arte.

Ang tambalan ni AJ at Sean sa “Taya” ay siguradong magsisimula sa bagong henerasyon ng mga talentado at seksi na mga aktor. Bibida rin pelikulang ito ay sina Jela Cuenca at Angeli Khang. Kasama sina Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit.

Sa direksyon ni Roman Perez, Jr. na siya ring nagdirek ng erotic-thriller na “Adan”, at sa panulat ng 2018 Cinemalaya Best Screenwriter John Carlo Pacala, mapapanood na ang “Taya” sa Aug. 27, streaming sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Available na rin ngayon ang Vivamax sa Hong Kong, Singapore, Malaysia at Japan. Maari na rin magamit ang screen cast to TV feature nito upang mas maging komportable ang inyong panonood sa inyong mga TV screen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending