Billy Crawford sa 'kalokalike': ‘Wag mo na ipagpatuloy yan! | Bandera

Billy Crawford sa ‘kalokalike’: ‘Wag mo na ipagpatuloy yan!

Therese Arceo - September 07, 2024 - 05:19 PM

Billy Crawford sa 'kalokalike': ‘Wag mo na ituloy yan

LAUGHTRIP ang naging reaksyon ng TV host-actor na si Billy Crawford nang makita niya ang kanyang “kalokalike” sa “It’s Showtime”.

Nitong Huwebes, September 4, sumalang sa segment na “Kalokalike” si Norlan Balilia ng Bulacan na nagpakilala bilang kalokalike ng dating “It’s Showtime” host.

Gayang-gaya naman ni Norlan ang get up ni Billy na naka-flash sa LED sa likod.

Ginaya rin nito sa kanyang talent ang pagsayaw noon ng TV host-actor sa segment noon na “Sine Mo ‘To”.

Baka Bet Mo: Billy Crawford handang magpa-drug test: Hindi po ako adik!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sinabayan pa nga siya ni Vhong sa pagsayaw sa stage dahil sila ang partner ni Billy noon sa tuwing sisimulang i-introduce ang naturang segment.

Matapos nga ng performance at nang sinalubong na “It’s Showtime” hosts ang contestant ay tinawagan na ni Vhong ang kaibigan via video call.

“Meron tayong surpresa sa madlang pipol, please welcome Mr. Billy Crawford.

“Kuys, bumati ka muna sa madlang pipol,” sabi ni Vhong.

Sagot naman ng TV host-actor, “E di pabatiin mo siya [Norlan] bakit ako? Nandyan naman si Billy.”

Pinansin naman niya ang bigote ng kalokalike pagkatapos ay binati si Tiyang Amy na nagdiriwang ng kanyang kaarawan noong araw na ‘yun.

Pagkatapos ay nagbigay si Billy ng mensahe sa kanyang kalokalike.

“Sa kalokalike kong yan, gusto ko lang sabihin sa kanya, maraming salamat, pero tol, ’wag mo na ipagpatuloy yan. Sayang sa oras,” sey nito.

Singit naman ni Vhong, “E idol na idol ka niya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot ni Billy, “Ay idol ba niya ako? Pasensya ka na. Ipagpatuloy mo lahat nang pangarap mo pero next time kausapin mo naman ako bago mo gawin yan. Thank you, ha?”

Hirit pa niya kay Norlan, “Ikaw, umuwi ka na. Hinahanap ka na ng nanay mo.”

Kinabukasan ay muling naaliw ang netizen sa kalokalike ni Billy dahil sumali ito bilang si Gerald Anderson naman kinabukasan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending