Billy Crawford handang magpa-drug test: Hindi po ako adik!

Billy Crawford handang magpa-drug test: Hindi po ako adik!

Ervin Santiago - July 11, 2024 - 07:38 AM

Billy Crawford handang magpa-drug test: Hindi po ako adik!

Billy Crawford at Coleen Garcia

HANDANG magpa-drug test ang singer-actor at TV host na si Billy Crawford para patunayang hindi ilegal na droga ang dahilan ng kanyang pagpayat.

Ipinagdiinan ng asawa ni Coleen Garcia na hindi siya adik at walang kinalaman sa drugs ang pagbaba ng kanyang timbang at kung anuman ang itsura niya ngayon.

Baka Bet Mo: Willie Revillame handang rumesbak para kay Vhong Navarro sa kinakaharap na kaso, chika ni Cristy Fermin

“It’s like a circle sa buhay ko. It’s a non-stop conversation is my ‘nutrition’ or my diet. I’m not on a diet,” ang simulang pahayag ni Billy sa panayam ng “24 Oras” ng GMA 7.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


Dagdag pa niya, “It used to faze me. It used to get me. It used to may kurot ng konti. Pero now, it really doesn’t anymore. Nakakatawa na lang.”

“Sa mga nakakakilala sa akin, I am by far one of the few artists who are the ones who don’t try drugs.

“We can all take a strand of our hair and do tests ngayon din. Puwede kong hamunin lahat ng tao dito ngayon. No problem. I have nothing to hide,” ang matapang na sabi ng singer at TV host.

“Hindi po ako adik. Adik ako sa pamilya ko. Adik ako sa trabaho ko, and that’s it. I’m living, I think, my life to the fullest right now,” ang mariing paniniguro pa niya.

Baka Bet Mo: Kakai hindi pa ready magkadyowa, work-work muna: ‘I choose to be single to enjoy my life’

Ibinandera rin ni Billy na five years na siyang hindi umiinom ng alak at naninigarilyo, “With God’s help and God’s grace, I did it. So I think everyone is allowed and able to change. You can change.”

Nauna rito, pinabulaanan na rin ni Coleen na may problema sa health ang asawa, “We’ve addressed it so many times, to the point na nakakapikon for him kasi how do you change the way you look ‘di ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


“Whatever he looks like right now, it’s not an unhealthy thing,” aniya pa.

Grabe rin daw kasing magtrabaho si Billy kasabay ng pagbibiyahe niya sa iba’t ibang bansa, “‘Yung trabaho niya dun, hindi hosting. Nagpe-perform talaga siya sa music festivals.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi lang nakakaabot dito, hindi kasi siya masyado nagse-share sa social media. Pero he performs talaga almost every day that he’s there in France. Talagang papayat siya,” sey pa ni Coleen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending