BTS sa pagkakasangkot umano sa ilegal na droga ‘fake news’: ‘We will take strong action against false rumors’
HINDI totoong nadadawit sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga ang K-Pop supergroup na BTS.
‘Yan ang naging paglilinaw ng music label na Big Hit Music kaugnay sa usap-usapang na-involved umano ang grupo sa isang drug-related case.
Nag-ugat ang kumakalat na tsismis matapos mabalitang kinasuhan si G-Dragon ng K-Pop boy band na BigBang dahil sa paggamit ng ilegal na droga.
“BTS is completely unconnected to the relevant rumor, and [the rumor] is not true in the slightest,” saad sa pahayag ng Big Hit Music na nakuha ng Korean media outlet na Soompi noong October 26.
Baka Bet Mo: SB19 Stell never makakalimutan ang eksena nang makasama ang BTS sa Korea: ‘Happy din daw sila na na-meet nila kami’
Lahad pa, “We will take strong action against the indiscriminate circulation of rumors.”
Bukod sa BTS, nali-link din sa drug controversies sina Kim Chaewon ng K-Pop girl group na Le Sserafim at Jeon Soyeon ng isa pang girl group na (G)I-DLE.
Ngunit agad naman itong itinanggi at pinabulaanan ng kanilang talent agency na Source Music at Cube Entertainment.
“The rumors about Kim Chaewon are not true at all. Kim Chaewon is recovering from the after effects of the flu and is scheduled to resume her activities on Nov. 1,” pahayag ng Source Music.
Sey naman ng Cube Entertainment, “The drug rumors are groundless. We will take strong action against the spread of false rumors.”
Kamakailan lang, si G-Dragon o Kwon Ji-yong sa tunay na buhay ay na-book without detention ng Incheon Metropolitan Police dahil sa kasong drug abuse.
Ayon sa pulisya, “Because it’s a case that’s currently under investigation, we cannot reveal concrete details.”
Base sa mga ulat, nadawit ang pangalan ni G-Dragon dahil sa isang compulsory inquiry na naging resulta ng isang imbestigasyon na kinasasangkutan ng “Parasite” star na si Lee Sun-kyun.
Nilinaw naman ng mga pulis na ang mga nasabing kaso ay hindi konektado sa isa’t-isa.
Related Chika:
Dingdong nabiktima ng sindikato sa socmed, ginawan ng fake LinkedIn account
‘Joey de Leon’ arestado dahil sa droga, pang-6 sa ‘most wanted person’ sa QC
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.