Dingdong nabiktima ng sindikato sa socmed, ginawan ng fake LinkedIn account
Dingdong Dantes
HUMINGI ng tulong ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa kanyang social media followers matapos malamang may poser na ilegal na gumagamit sa kanyang pangalan.
Ipinaalam ng TV host-actor sa online community ang tungkol sa fake LinkedIn account kung saan nakabandera ang kanyang pangalan, litrato at iba pa niyang credentials.
Sa pamamagitan ng kanyang official Instagram account, ipinost ni Dingdong ang screenshot ng nadiskubre niyang pekeng account kalakip ang warning para sa publiko.
“BEWARE OF FAKE LinkedIn ACCOUNT.
“It has come to my attention that a fake Jose Sixto Dantes III @linkedin account with my photo, name, and credentials, has been actively responding to messages and scheduling online and on-site meetings with individuals on my behalf.
“Please be informed that the profile Jose Sixto Dantes III with over 400 connections on @linkedin is not me nor is being handled by anyone I know,” ang babala ng mister ni Marian Rivera sa lahat ng kanyang fans at social media followers.
Kasunod nito, nanawagan din siya sa publiko na tulungan siya sa pagre-report ng nasabing fake account at i-redirect ang kanilang mga tanong, mensahe at iba pang concerns sa [email protected] o sa [email protected].
“Thank you and stay safe!” ang mensahe pa ni Dingdong.
View this post on Instagram
Isa sa mga unang tumugon sa pakiusap ni Dingdong ay ang dati niyang co-star sa Kapuso series na “Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)” na si Lucho Ayala.
Agad na inireport ng aktor ang nasabing dummy account at muling binanggit na nabiktima nga si Dingdong ng sindikato sa socmed.
https://bandera.inquirer.net/303733/dingdong-pamilya-nakipaglaban-din-sa-covid-19-na-survive-namin-ito-dahil-sa-mga-ayuda-ninyo
https://bandera.inquirer.net/302010/kilalang-aktor-pasikretong-gumagamit-ng-gamot-para-kumalma-sa-shooting
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.