Maine Mendoza pinabulaanang ipapalabas sa TV ang kasal nila ni Arjo Atayde | Bandera

Maine Mendoza pinabulaanang ipapalabas sa TV ang kasal nila ni Arjo Atayde

Therese Arceo |June 10,2023
facebook
share this

Maine Mendoza pinabulaanang ipapalabas sa TV ang kasal nila ni Arjo Atayde

Therese Arceo - June 10, 2023 - 11:37 AM

Maine Mendoza pinabulaanang ipapalabas sa TV ang kasal nila ni Arjo Atayde
ITINANGGI ng TV host-actress na si Maine Mendoza ang kumakalat na chikang mapapanood sa telebisyon ang kanyang kasal kay Arjo Atayde.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya ang isang article mula sa kilalang media outlet at sinabi nitong walang katotohanan ang balitang ito.

“Huh? This is not true and the article is misleading. Not sure if clickbait done on purpose or comprehension is just [sad emoji],” saad ni Maine.

Dagdag pa ng dating “Eat Bulaga” host, [I] am the last person to publicize a personal affair.”

Hirit pa ni Maine, marami raw sa mga netizens ang madaling maniwala sa mga nakikita nito online.

“Kakaloka din how some netizens would simply believe what they see on the Internet. Kailan ba mauuso ang fact-checking?!” sey niya.

Baka Bet Mo: Maine Mendoza sa nagsabing ‘suplada’ siya sa personal: Sana tinarayan ko na nga talaga…Bastos at makakapal ang mukha

Ang naturang article na ibinahagi ni Maine ay mula sa naging interview ni Joey de Leon ukol sa pagbabalik nito sa telebisyon matapos ang pagre-resign sa TAPE Inc.

Marami raw kasing dapat abangan sa bago nilang show na mapapanood sa TV5, ang kanilang bagong tahanan.

“We will start in a few days. Yes (immediately). Hindi na namin papatagalin kasi hinahanap na rin ng mga katawan namin. Ang maganda nito, we’re already airing during our 44th anniversary and the wedding of Maine. So ‘yun yung mga big events na aabangan niyo,” sey ni Joey.

Matatandaang nitong July nga ang napapabalitang kasal ng dalawa ngunit wala pa namang eksaktong petsa kung kailan ito magaganap.

Matatandaang July 2022 rin nang mag-propose si Arjo sa dalaga na naganap sa isang beach resort sa Batangas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Maine Mendoza, Arjo Atayde gusto nang magka-baby, posibleng ikasal sa 2023

Maine Mendoza, Arjo Atayde ginulat ang netizens: Wait, whaaaat??? We’re engaged?!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending