Maine Mendoza sa ‘Eat Bulaga’ contestant: Huwag nating ipasa sa bata ang responsibilidad
TRENDING ngayon ang TV host-comedienne na si Maine Mendoza dahil sa naging payo nito sa isang “Eat Bulaga” contestant.
Marami kasi ang humanga sa naging pahayag ng dalaga matapos marinig ang mensahe ng EB contestant para sa pitong taong gulang nitong anak.
Makikitang bagama’t nakanigiti ay tila na-bother si Maine sa naging mensahe ng ina para sa kanyang anak gayong bata pa lang ito.
“Ace, sana mag-aral ka nang mabuti dahil alam kong ikaw ‘yung makakaahon sa amin sa kahirapan. Ikaw ‘yung pursigido para gumanda ‘yung buhay natin. Tsaka bata ka pa, kahit bata ka pa may pangarap ka na talaga,” umiiyak na sabi ng contestant.
Payo naman ni Maine, “Tsaka bata ka pa Incess, kayong mag-asawa. May pagkakataon pa para palakihin o pagandahin ang inyong buhay.
“Tuparin mo ‘yung pangarap mo Incess, ha?Para sa mga anak mo rin ‘yan,” dugtong pa ni Ryan Agoncillo.
Sey pa ni Maine, “Tsaka bata pa si Ace. Huwag nating ipasa sa kanya ang responsibilidad.”
Dagdag pa niya, “Marami ka pang magagawa, kayo ni mister.”
Baka Bet Mo: Maine Mendoza, Arjo Atayde gusto nang magka-baby, posibleng ikasal sa 2023
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa netizens ang naturang video clip ng contestant sa “Eat Bulaga”.
“Mostly sating mga pilipino ganyan ang mindset na anak ang mkapag ahon satin sa kahirapan pro sa totoo lng dapat nating maintindihan bilang mga magulang its our responsibility and duty na paaralin at bigyan nga magandang kinabukasan ang ating mga anak at kng maging successful cla someday nasa kanila na rn yun kng pano cla makabawi stin..wag natin clang obligahin kasi na pepressure cla,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Tama naman si Maine hindi responsibilidad ng mga anak ang mga magulang pero kung may mabuting kalooban ang anak mo, paglaki gagawin nya yun ng kusa hindi dahil kailangan nyang gawin kasi may utang na loob sa inyong magulang .. Kayo ang gumawa sa bata hnd nmn nya pinili na isilang nyo sya.”
Hirit pa ng isa, “Hindi dapat ipasa sa anak ang obligasyon ng magulang. Responsibilidad yan bilang magulang. Huwag mag anak kung di kayang akuin mga responsibilidad ng isang magulang.”
“Napanuod ko po yan. Napareact din po ako sa sinabi ni ate dyan kaya natawa po ako nun napuna po sya ng mga host specially ni Maine and very true naman po di ba,ang bata pa ng magulang napakadami pa pagkakataon para sila ang mag-ahon sa pamilya nila sa kahirapan.”
Related Chika:
Throwback photo ni Maine na nagpapa-ultrasound kasama si Alden trending, sey ng AlDub nation: ‘Ito ang ebidensya!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.