Maine Mendoza sa nagsabing ‘suplada’ siya sa personal: Sana tinarayan ko na nga talaga…Bastos at makakapal ang mukha | Bandera

Maine Mendoza sa nagsabing ‘suplada’ siya sa personal: Sana tinarayan ko na nga talaga…Bastos at makakapal ang mukha

Pauline del Rosario |January 14,2023
facebook
share this

Maine Mendoza sa nagsabing ‘suplada’ siya sa personal: Sana tinarayan ko na nga talaga…Bastos at makakapal ang mukha

Pauline del Rosario - January 14, 2023 - 10:14 AM

Maine Mendoza sa nagsabing ‘suplada’ siya sa personal: Sana tinarayan ko na nga talaga…Bastos at makakapal ang mukha

PHOTO: Instagram/@mainedcm

MAY sinupalpal na epal na basher ang Kapuso TV host-actress na si Maine Mendoza.

‘Yan ay matapos ibandera ng isang netizen sa Twitter at isinumbong na may isang Facebook post na sinasabing suplada sa personal ang aktres.

Sey sa isang tweet, “So nasa SG pala si Maine at may peklat na kumapit sa kanya na ang sabi eh disappointed daw siya kay Maine at suplada pero nakapag pa pic, pinost at pinublic pa (laughing emoji)”

As of this writing ay deleted na ang nasabing FB post, pero nakikita pa rin naman sa shinare na Twitter post kung ano ang laman nito.

Makikitang nagpa-picture nga ang isang babae kay Maine habang nasa Singapore at caption pa niya, “Suplada pala sa personal itong Maine Mendoza na ‘to. So disappointed with you.”

Nag-reply naman kaagad si Maine sa netizen na nagsumbong at sinabing, “If I came off as ‘supladita’ (as ate sales associate in Bath and Body Works Ngee Ann Mall have said to every Filipino inside the store, even to my friend) e dasurv nga naman, sana tinarayan ko na nga talaga.”

“Bastos si SA and that group of girls. Bastos at makakapal ang mukha,” aniya.

Ayon pa kay Maine, ito ang pinakamalalang na-experience niya pagdating sa mga kababayan na nasa abroad.

“Oh if you only know how disrespectful and entitled those ladies were, especially the sales associate, ay maloloka ka nalang talaga,” sabi niya sa isag tweet.

Lahad pa niya, “By far the worst experience/interaction with kababayans abroad. Bastos.”

Maraming fans naman ang sumang-ayon sa mga sinabi ni Maine at kahit sila ay galit na galit.

Narito ang nabasa namin sa comment section:

“They deserve to be treated that way. Kala mo mga kung sino nalang na makasira sa kapwa! Tama lang sa kanila yan! Hmmmmp!!! (angry emoji)”

“Dapat malaman ng management!! D deserve ng customers mga bastos disrespectful salesladies n ganyan”

“Resbakan natin babygurl pag nakapunta ako jan sasabunutan ko yang piggy bitch na yan (angry emoji) Take care babygurl meng (red heart emoji).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Arjo Atayde, Maine Mendoza nag-celebrate ng 4th anniversary: Thank you for everything

Maine Mendoza, Arjo Atayde gusto nang magka-baby, posibleng ikasal sa 2023

Rollercoaster pic nila Maine Mendoza, Arjo Atayde mabenta sa netizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending