Seth: Napakaswerte mo na ‘pag may nanay na nagluluto ng almusal mo
MATINDI ang pressure na nararamdaman ng Kapamilya loveteam na sina Seth Fedelin at Francine Diaz para sa kanilang Metro Manila Film Festival 2024 entry na “My Future You.”
Pero nilalabanan daw ito ng magka-loveteam para mas makapag-focus sila sa promo at maipahatid sa lahat ng Filipino ang ganda at kalidad ng kanilang movie produced by Regal Entertainment.
Knows naman daw ng tambalang FranSeth na talagang may kumpetisyong magaganap sa darating na filmfest na magsisimula na sa December 25, lalo pa’t ang titindi rin ng mga kasali this year.
Kabilang nga sa mga pelikulang makakatapat nila ay ang entry nina Vic Sotto, Piolo Pascual, Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Vice Ganda at Judy Ann Santos.
Baka Bet Mo: Seth feeling lucky kay Francine: Nakita ko kung gaano ka kabuting tao
But at the end of the day, ang mahalaga pa rin daw ay ang mabigyan ng magagandang pelikula ang mga Pinoy at mapabalik ang manonood sa mga sinehan.
“May competition, eh, ‘di ba? May competition, but in a good way. At the end of competition naman, contribution namin ‘to lahat.
“Para sa tao, para sa pelikulang Pilipino. So ‘yun pa rin ang dulo,” ang sabi ni Seth sa grand mediacon ng “My Future You”.
View this post on Instagram
Sa tanong kung ano ang magiging take away ng manonood sa “My Future You” at kung bakit dapat itong panoorin ng sambayanang Filipino.
“Parang pinaka-lesson, kung may pagkakataon ka bang pumunta sa past, may babaguhin ka ba para ‘yung future mo mabago or vice versa. So ‘yun ‘yung lesson niya, family, love,” tugon ni Seth.
Sey naman ni Francine, “Actually isa rin po sa main highlight or story nito ay ano ang kaya mong gawin para sa pamilya mo o mga mahal mo sa buhay.
“Kahit pa magkaiba ‘yung oras at panahon gagawin mo lahat ng sakripisyo, may babaguhin ka, para maging maayos o magiging magulo hanggang saan ang kaya mo para sa mahal mo sa buhay.
“Na hindi lang siya yung basta gusto lang namin ipakita ‘yung chemistry namin or gusto lang namin magpakilig, hindi po, yung story na ito, puso talaga ang pinakagitna niya, so hindi siya mababaw lang na story,” sabi pa ni Francine.
Naka-relate rin daw sila sa kanilang mga role. Sabi ni Seth, “Pamilya. Na napakaswerte natin pag kumpleto ang pamilya natin.
“Napakaswerte natin pag may nanay na nagluluto ng almusal mo, meron kang tatay na naghahatid sa school so ‘yun, habang ginagawa ko ‘yung pelikula, habang binibitiwan ko ang mga linya, ‘yun ang nararamdam ko, na napakaswerte natin.
“Kahit ano pang estado ng buhay natin, basta kumpleto ang pamilya, buo ka, buo kayo, ano pang hihilingin mo sa mundo, ano pa ang hihilingin mo, ano pa ang kayang ibigay ng mundo.
“Yun pa lang sobrang enough na ‘yun na makita mong kumpleto at masaya, ‘yun ang mararamdaman mo,” tuluy-tuloy na sabi ni Seth.
Para kay Francine, “Pinaka-core ng story, dahil bago naman tayo nagmahal ng iba, nagmahal tayo sa mga bahay natin, sa pamilya natin nagsimula.”
Panahol pa ni Seth, “And love, ‘yung siyempreng love story ng isang tao, partner, kung hanggang kailan ka maghihintay at kung hanggang kailan ka kakapit.”
Samantala, proud din si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment sa kanilang entry, “Confident ako sa movie namin. Because usually Christmas, people would like to find a good story.
“Something that they can spend watching movies with the family. And I’m sure we can give this one. It’s not just the love story. The narrative is good. Nandiyan ‘yung kilig. Nandyan yung feel good and also have good vibes.
“Kasi ang ganda lang ng nangyari sa ending. What she really wanted for the family. It’s a big mystery. Kasi if you see the trailer, parang may mga wishes na kung saan na natupad sa pamilya niya. So there were like a lot of attempts,” sabi pa ni Roselle.
Papuri rin ng Regal Entertainment producer sa FranSeth, “I mean there is really very good chemistry between the two.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.