Kyle Echarri inialay ang pagpirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN sa namayapang kapatid; Seth Fedelin hindi nagpatumba sa mga pagsubok | Bandera

Kyle Echarri inialay ang pagpirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN sa namayapang kapatid; Seth Fedelin hindi nagpatumba sa mga pagsubok

Ervin Santiago - November 14, 2023 - 06:40 AM

Kyle Echarri inialay ang pagpirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN sa namayapang kapatid; Seth Fedelin hindi nagpatumba sa mga pagsubok

Kyle Echarri at Seth Fedelin

PATULOY na magiging solid Kapamilya ang young leading men na sina Kyle Echarri at Seth Fedelin matapos pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN.

Sa ginawang contract signing event, ibinahagi ni Kyle na mas naiintindihan na niya ang ibig sabihin ng pagiging “solid Kapamilya” sa walong taong pananatili niya sa mundo ng showbiz.

“In a world na puno ng kalungkutan, puno ng mga bagay na nakakagalit talaga, it’s nice to be an inspiration to people and show that there’s happiness in this world. That for me is how to be a solid Kapamilya,” sey ni Kyle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)


Inialay din ng “Senior High” star ang kanyang career milestone sa kanyang namayapang kapatid na si Bella na pumanaw noong Abril.

“I just want to leave a message for my sister who is up there. ‘Ta, we made it. We are here. It’s been a while.

“I know you are watching over me in everything I do. I know you are also part of this whole journey of mine,” mensahe pa ni Kyle.

Baka Bet Mo: Frankie Pangilinan may pa-tribute song kay Sharon Cuneta: I can’t believe you’re my best friend!

Samantala, inalala naman ni Seth kung paano siya nagsimula sa showbiz, kung saan naranasan niyang pumila sa auditions at nabigyan ng pagkakataon na matupad ang kanyang mga pangarap dahil sa mga taong nagtiwala sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang dami kong pinagdaanan na akala ko, hanggang doon lang ako pero hindi ko hinayaan. Nagsikap ako, inaral ko ‘yung gusto kong maging at hanggang ngayon natututo pa rin ako,” pagbabahagi ni Seth.

Baka Bet Mo: Chie umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond…

Dagdag pa ng bida ng “Fractured”, pamilya talaga ang turing sa mga talent na katulad niya ng ABS-CBN, “Trabaho ito pero hindi nakikita ng mga tao na kami po para kaming nasa bahay dito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para panoorin ang contract signing nina Kyle at Seth at malaman kung ano ang mga proyektong nakapila para sa kanilang bagong kabanta bilang Kapamilya, pumunta lamang sa YouTube channel ng Star Magic.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending