Kyle Echarri nagpapa-borta ng katawan para sa next project: 'Medyo pinasok ko na rin po 'yung mga ganu'ng roles ngayon' | Bandera

Kyle Echarri nagpapa-borta ng katawan para sa next project: ‘Medyo pinasok ko na rin po ‘yung mga ganu’ng roles ngayon’

Ervin Santiago |November 05,2023
facebook
share this

Kyle Echarri nagpapa-borta ng katawan para sa next project: ‘Medyo pinasok ko na rin po ‘yung mga ganu’ng roles ngayon’

Ervin Santiago - November 05, 2023 - 07:53 AM

Kyle Echarri nagpapa-borta ng katawan para sa next project: 'Medyo pinasok ko na rin po 'yung mga ganu'ng roles ngayon'

Kyle Echarri

HINDI pa man natatapos ang hit Kapamilya series na “Senior High” ay may mga next projects nang pinaghahandaan ang singer-actor na si Kyle Echarri.

Last Friday, November 3, muling pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN ang aktor kaya naman mananatili pa rin siyang Kapamilya sa loob ng ilang taon.

Sa naganap na contract signing, ibinalita ni Kyle na kasado na ang dalawa niyang bagong projects, kabilang na riyan ang pelikula nila ng Utimate Leading Man na si Piolo Pascual.

May isa pa siyang gagawin para sa ABS-CBN pero hindi muna siya nagbigay ng detalye tungkol dito pero siguradong ikatutuwa raw ito ng kanyang mga supporters.

“We did a movie recently under Spring Films and Cornerstone Studios. Excited na po akong ipakita sa mga tao.

Baka Bet Mo: Kyle Echarri masaya sa tambalan nina Francine at Seth: Alam naman ng management kung anong ikabubuti namin

“I also have another project, isa rin pong pangarap ko, that’s coming soon. Hindi ko pa po pwedeng sabihin but it’s under ABS-CBN. Excited po ako na ganapin ‘yung role na ‘yun,” sey ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)


Ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na niya ang naturang project, kabilang na ang pagpapaganda at pagpapakundisyon ng kanyang katawan o ang pagpapa-borta.

Baka Bet Mo: Chie umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond…

“Marami pong naka-schedule na workshops. It’s always better to better your craft kahit san ka sa career mo. It’s always good to do workshops and fix your tools.

“Kailangan ko mag-gym sa next role ko. Medyo pinasukan ko na po ‘yung ganong roles na ngayon. Na kailangan po magpaborta minsan,” aniya pa.

Kasalukuyang napapanood si Kyle sa primetime series na “Senior High” kasama sina Andrea Brillantes at Juan Karlos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsimula si Kyle sa showbiz eight years ago nang sumali siya sa “The Voice Kids” season 2 (2015) kung saan nakasama siya sa Top 6 sa ilalim ng Team Sarah Geronimo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending