Kyle Echarri masaya sa tambalan nina Francine at Seth: Alam naman ng management kung anong ikabubuti namin
NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang isa sa miyembro ng Gold squad na Kyle Echarri sa bagong proyektong pagtatambalan nina Francine Diaz at Seth Fedelin na “Dirty Linen”.
Sa isang panayam sa young actor ng writer na si Melba Llanera ay sinabi nitong masaya siya para sa mga kaibigan at maging sa bagong proyekto ng mga ito.
“Masaya naman ako para sa kanilang dalawa,” saad ni Kyle.
Dagdag pa niya, “Kung sa tingin ng management na dapat sila ‘yung magkasama sa project, alam naman ng management kung anong ikabubuti namin.”
Si Kyle kasi ang dating ka-love team ni Francine bago ito maging celebrity housemate sa “Pinoy Big Brother Kumunity” ngunit tila nag-lie low ang kanilang tambalan paglabas nito ng PBB house.
Marahil ay dahil na rin sa naging feedback ng mga taga-suporta ng dalawa lalo na at naging malapit ang binata sa kapwa housemate na si Chie Filomeno.
View this post on Instagram
Samantala, hinikayat naman ni Kyle ang mga naging taga-suporta ng KyCine na sana ay suportahan rin ang tambalan nila Seth at Francine.
“Matuto lang po tayo maging happy para sa kasiyahan ng iba,” sey ni Kyle.
“We’re all just focusing on work, more than anything. Nagtatrabaho lamang po kami, sana tanggapin niyo rin po ‘yun. Huwag po kayong magalit sa’min kasi parte po ‘yun ng trabaho namin,” pagpapatloy ng binata.
Bago pa man ang pahayag ni Kyle ay nauna nang magbigay ng mensahe ng pagbati si Andrea Brillantes sa bagong proyekto ng ex-boyfriend at dating ka-love team na si Seth Fedelin.
“Congrats,” saad ni Andrea sa Instagram post ng dating dyowa.
Related Chika:
Kyle Echarri inihanda ng pandemya para mas maging palaban sa buhay
Fans umalma sa mga nagbigay ng malisya sa litrato ni Andrea kasama sina Kyle at Darren
Kyle Echarri may inamin tungkol kay Chie Filomeno matapos maging close sa loob ng Bahay ni Kuya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.