Kyle Echarri may inamin tungkol kay Chie Filomeno matapos maging close sa loob ng Bahay ni Kuya | Bandera

Kyle Echarri may inamin tungkol kay Chie Filomeno matapos maging close sa loob ng Bahay ni Kuya

Ervin Santiago |March 02,2022
facebook
share this

Kyle Echarri may inamin tungkol kay Chie Filomeno matapos maging close sa loob ng Bahay ni Kuya

Ervin Santiago - March 02, 2022 - 08:25 AM

Kyle Echarri at Chie Filomeno

INAMIN ng Kapamilya young actor na si Kyle Echarri na naging close talaga sila ni Chie Filomeno nang nang dahil sa “Pinoy Big Brother” season 10 celebrity edition.

Pero agad din niyang nilinaw na wala silang relasyon ni Chie kasabay ng paliwanag kung bakit mabilis silang nag-click as friends sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa isang episode ng “Magandang Buhay”, natanong si Kyle kung ano ang naging reaksyon niya nang aminin ni Chie on national TV na crush siya nito. 

“Siyempre thank you, naa-appreciate niya,” sagot ng binata nang mag-guest sa morning talk show ng ABS-CBN last Monday.

Kasunod nito, nabanggit din ni Kyle ang rason kung bakit naging close sila agad ng dalaga nang magkasama sa “PBB” bilang celebrity housemates.

“Kaibigan ko naman po talaga si Chie. She’s been a very good friend, especially when I went to PBB house. 

“I think one of the reasons why we’re close because we went through the same thing in showbiz na parang tinatrato kami ng mga netizen na parang lahat ng mga ginagawa namin ay mali. ‘Yun ang pakiramdam namin,” pahayag ng aktor at singer.

View this post on Instagram

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)


Aniya pa, “And we felt like we both have to prove something in ‘PBB.’ And I felt like we were both fighting for our spot inside the house.

“Kaya po siguro kami naging close. Pero more than that, yeah kaibigan ko po talaga siya,” sey pa ni Kyle.

Matatandaang sa “Magandang Buhay” din inamin ni Chie noon na crush niya si Kyle, “Sino ba naman ang hindi magkakaroon ng crush kay Kyle. 

“Sobrang talented niyang bata and ‘yung mindset niya very infectious,” sey pa ni Chie.

“‘Yung closeness kasi namin ni Kyle sa loob, it’s a special bond that we were able to create po kasi parang takbuhan namin ‘yung isa’t isa and he made me feel na puwede kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)

Chie Filomeno mine-message na ni Kyle bago pa sila pumasok sa ‘PBB’

Chie umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond…

Chie Filomeno walang galit kay Madam Inutz: She’s still one of my Big 4

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending