Piolo biglang napaiyak sa sariling eksena sa Pamilya Sagrado: Ang intense!
BAKIT nga ba naluha ang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual habang pinapanood ang kanyang mga eksena sa Kapamilya drama series na “Pamilya Sagrado”?
Aminado ang premyadong aktor na emosyonal ang pagtatapos ng kanilang teleserye sa huling dalawang linggo nito at proud siya sa kinalabasan ng programa kasama ang co-stars na sina Grae Fernandez at Kyle Echarri.
“Nakaka-touch, nakakaiyak (ang mga napanood na episodes). I was watching the episode last night and I was sobbing sa sarili kong eksena.
“Ganu’n siya kabigat at ka-intense. Ang hirap ng journey kaya kailangan maganda ‘yung ending,” sabi ni Papa P sa finale mediacon ng “Pamilya Sagrado” nitong nagdaang November 5.
Sa kabila ng matinding hamon sa pagganap bilang tiwaling opisyal ng gobyerno, buong puso itong tinanggap ni Piolo at nagpapasalamat siya sa naging impact nito sa kanyang showbiz career na tumatakbo na ng ilang dekada.
Baka Bet Mo: Coco Martin, Piolo Pascual magsasama sa iisang proyekto, fans excited na
“It’s given me a different perspective on how to portray roles. I enjoy the process of being able to give life to a character and be somebody else. I played a role that I never thought I’d be able to play this early in my career,” pahayag ni Papa P.
Sa huling dalawang linggo ng “Pamilya Sagrado,” hahantong sa bingit ng kamatayan ang planong pagsagip ni Rafael (Piolo) sa magkaribal niyang mga anak dahil sasabog na ang galit ni Moises (Kyle) at mag-isang susugurin si Justin (Grae) sa kasal nito kay Felicia (Alyanna Angeles).
Magtutuos na rin ang mga Sagrado laban sa kanilang mga kaaway kung saan maaaring may magbuwis ng buhay. Sasagarin na kasi ni Jaime (Tirso Cruz III) ang kanyang galit dahil malalaman niyang patuloy siyang ipinagtataksil ng fiancée niyang si Divine (Aiko Melendez) para mabigyan ng hustisya sina Rafael.
Huwag palampasin ang pasabog na finale ng “Pamilya Sagrado” sa November 15, 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.