Osang excited nang makatrabaho uli si Piolo sa 'Pamilya Sagrado'

Osang excited nang makatrabaho uli si Piolo sa ‘Pamilya Sagrado’

Reggee Bonoan - January 17, 2024 - 12:02 AM

Osang excited nang makatrabaho uli si Piolo sa 'Pamilya Sagrado'

Rosanna Roces at Piolo Pascual

PAGKALIPAS ng 15 years ay muling magkakatrabaho sina Piolo Pascual at Rosanna Roces sa upcoming TV series na “Pamilya Sagrado” mula sa Dreamscape Entertainment.

Ayon sa aktres ay ang saya ng pakiramdam niya na muli niyang makakatrabaho ang aktor na naging anak niya noon sa pelikulang “Manila” (2009) mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..

Pagkatapos ng storycon ng “Pamilya Sagrado” ay tsinat namin si Rosanna kung first time niyang makaka-work si Papa P.

Baka Bet Mo: Rosanna Roces ayaw gawing pelikula ang buhay: ‘Walang kabutihang mapupulot’

“Hindi, bale second time na, nauna ‘yung Manila, anak ko siya ro’n, ginulpi ko siya ro’n. Kaya ang saya ko makakasama ko ulit siya, sina Raya Martin at Adolf (direktor) ‘yun,” sagot ni Osang sa FB chat.

Inalam namin kung ano ang karakter ng aktres sa serye ni Piolo at nabanggit nitong tutulong siya sa imbestigasyon sa isang kaso ng extra judicial killing o EJK kasama si Iana Bernardez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Walang gaanong ibinigay na detalye si Osang dahil hindi pa raw puwedeng i-divulge basta sabi lang niya sa Baguio sila magsu-shoot at excited siya kasi masarap ang mga pagkain roon at sariwa ang mga gulay.

Binati namin ang aktres dahil nakasama rin siya sa “Pira-Pirasong Pangarap” na magkakaroon ng finale presscon ngayong araw, at heto’t may kasunod na kaagad siyang “Pamilya Sagrado.”

Baka Bet Mo: Sharon kay Osang: I really love this woman…alam kong hindi niya ako tatraydurin

“Oo, sobrang saya ko, kaya talagang nagpapasalamat ako kina Ma’am Cory (Vidanes) sa tuwing nakikita ko siya, kay Direk Lauren Dyogi, si RSB (Ruel S. Bayani) nagpapasalamat ako siyempre kay sir Deo (Endrinal) na lagi akong nasa unit niya.

“Tapos sa buong staff ng Dreamscape hindi nila ako nakakalimutang banggitin sa mga projects.  Sobrang grateful ako sa kanilang lahat,” masayang sabi ni Osang.

Mahusay naman kasing umarte si Rosanna kahit na anong role ibigay ay kaya niyang gampanan.

Anyway, kasama rin cast ng “Pamilya Sagrado” sina Shaina Magdayao, Mylene Dizon, Kylie Echarri, Grae Fernandez, FDCP Chairperson Tirso Cruz lll, Jeremiah Lisbo, Daniella Stranner, Alyanna Angeles, River Joseph, Valentino Jaafar, Mogs Cuaderno, Iana Bernardez, Micaela Santos, Dustine Mayores, Emilio Daez, Austin Cabatana, Marc Manicad, JC Galano, Ron Angeles, Rocky Labayen, John Joven Uy, John Arcilla, Joel Torre at ang nagbabalik-showbiz na si Aiko Melendez

* * *

May tugon na sa panawagan ni Atty. Harry Roque na imbestigahan ng Movie And Television Review And Classification Board (MTRCB) ang pag-ere ng TV komersiyal na “EDSA-Pwera.”

Nilinaw ng Board na wala itong awtoridad na suriin at eksaminin ang mga commercial at advertisement, maliban sa mga itinuturing na Publicity Materials/Promotional Material sa ilalim ng Presidential Decree (P.D) No. 1986 at ng Implementing Rules and Regulations nito. Ayon sa P.D No. 1986, tinutukoy ang “Publicity materials” bilang “anumang materyal na ginagamit upang magkaruon ng interes sa publiko sa isang motion picture o television program tulad ng television commercials, movie, at television trailers, print advertisements, still photos, photo frames, leaflets, posters at billboards, at iba pang kaugnay na midya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang nasabing materyal ay hindi itinuturing na Publicity material ng anumang Motion picture o TV program, hindi ito saklaw ng MTRCB. Sa halip, kinikilala ng Board ang awtoridad ng Ad Standards Council ng Pilipinas (ASC) bilang self-regulatory body na responsable sa pagsusuri ng advertising at brand communication materials sa lahat ng midya upang mapanatili ang interes ng mga mamimili at tiyakin ang tapat, makatarungan, at responsableng advertising

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending