Sharon kay Osang: I really love this woman...alam kong hindi niya ako tatraydurin | Bandera

Sharon kay Osang: I really love this woman…alam kong hindi niya ako tatraydurin

Ervin Santiago |August 15,2021
facebook
share this

Sharon kay Osang: I really love this woman…alam kong hindi niya ako tatraydurin

Ervin Santiago - August 15, 2021 - 12:20 PM

Sharon Cuneta at Rosanna Roces

“I REALLY love this woman. So real, so honest!” Ito ang papuri ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta sa award-winning actress na si Rosanna Roces.

Itinuturing na ngayon ni Sharon si Osang bilang isa sa mga BFF niya sa mundo ng showbiz at naniniwala siya na pangmatagalan na ang kanilang friendship.

Naging malapit sa isa’t isa ang dalawang aktres nang gawin nila ang kontrobersyal na pelikula ng Viva Films na “Revirginized” na idinirek ni Darryl Yap. At kahit natapos na ang kanilang shooting, nanatili pa rin ang closeness nila sa likod ng mga camera.

Sa kanyang Instagram account, muling ibinandera ng OPM at movie icon ang pagmamahal niya kay Osang kung saan inilarawan pa niya ito bilang isang totoo at super sincere na kaibigan.

“I really love this woman. So real, so honest. Napakarami nang napagdaanan at ang napakaganda ay napakarami niyang natutunan. Pinagtagpo kami ng Panginoon sa tamang panahon,” mensahe ni Mega kay Osang.

Ipinagdiinan pa niya na isa ang dating sexy actress sa mga kaibigan niya sa showbiz na pinagkakatiwalaan niya ngayon.

“Wala akong kaduda-duda kay Osang… I know I can trust her and pour my heart out to her anytime, without having to worry that she would betray me. I am blessed to be called her friend,” chika pa ni Shawie.

Nauna rito, ipinagmalaki na rin ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan ang nabuong friendship sa pagitan nila ni Osang. Aniya, perfect timing ang pagdating nila sa buhay ng isa’t isa.

“Osang is so sweet, caring, funny and nice! I really think na tinaon ng Diyos na ngayon lang kami magkasama sa isang project at magkakilala. 

“Siguro kung nu’ng (unang) kasikatan niya kami nagkasama, di kami magiging magkaibigan. Kasi sabi nga niya, ibang-iba siya at ang buhay niya noon. Baka di siguro kami nagkahope magkasundo.

“Now she has been through so much in her rollercoaster of a life, and has mellowed and changed so much. 

“She is so wonderful and I already miss her pag wala siya sa set at eksena ko. I thank God for the opportunity He has given me to get to know this lovely person in His time, right now,” sabi pa ni Mega.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, siniguro rin ni Rosanna kay Sharon na aalagaan niya ang tiwala at pagmamahal sa kanya ng bagong BFF at feeling honored talaga siya na naging kaibigan niya ang Megastar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending