Seth kay Francine: Nakita ko kung gaano ka kabuting tao

Seth feeling lucky kay Francine: Nakita ko kung gaano ka kabuting tao

Ervin Santiago - January 30, 2024 - 07:57 AM

Seth feeling lucky kay Francine: Nakita ko kung gaano ka kabuting tao

Seth Fedelin at Francine Diaz

SINORPRESA ng Kapamilya young actor na si Seth Fedelin ang ka-loveteam na si Francine Diaz para sa 20th birthday celebration nito.

Talagang nag-effort ang binata sa paggawa ng kanta para ihandog kay Francine sa kaarawan nito nitong nagdaang January 27.

Ibinahagi ni Seth sa kanyang Instagram account ang “patikim” sa isinulat niyang kanta sa mismong birthday ng kanyang screen partner.

Hindi pa pormal na nairi-release ang studio version ng song kaya naman ngayon pa lang ay abangers na ang FranSeth supporters na mapakinggan ito nang buo.

Baka Bet Mo: Seth Fedelin inamin kung bakit wala pang girlfriend, inaantay nga ba si Francine?

Bukod sa special song na birthday gift ni Seth kay Francine, meron din siyang super sweet at madamdaming message para sa dalaga.

“Happy Birthday Chin! Natatandaan ko yung araw na nakilala kita at masasabi ko na maswerte Ako/kami dahil nakita ko at naramdaman ko kung gaano ka kabuting tao.

“Minsan din tayong dinala sa mahirap na sitwasyon pero andyan ka pa din,” pahayag ng binata para sa Kapamilya young actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa ng aktor, hindi lang daw sila basta magka-loveteam ng dalaga dahil napakaespesyal na ng turingan nila sa isa’t isa makaraang humarap sa mga challenges ng buhay.

“Hindi lang kita basta katrabaho. Proud ako sa lahat ng napagtagumpayan mo saksi ako sa ilang mga pagsubok mo.

Baka Bet Mo: Seth Fedelin pangarap maging action star: ‘Gusto kong masubukan kung paano makipagsuntukan’

“At nakita ko kung gaano ka katibay pero wag ka magalala may bakal naman ako sa tuhod matibay tong shield mo hehe,” mensahe pa ni Seth.

“Ayaw kong sumablay Pangitiin at Pasayahin ka,” dugtong pang mensahe ng Kapamilya star.

Reaksyon naman ni Francine sa sweet birthday message ng ka-partner, “Thank youuuuuuu so much!!! Alam mo yan! YAAAAAAAAAAAAANCYYY!”

Bumuhos naman ang birthday greeting para kay Francine mula sa mga fans, at in fairnes, kinilig din sa kanila ni Seth ang mga kaibigan nilang celebrities.

“Medyo malupet mga bagsak mo ha,” ang post ni Luis Manzano.

“Ang sweet naman talaga ni otol. Ramdam namin yung kanta tol. Pati c chin Napa YANCY NA. btw happy birthday sa iisang babae sa buhay mo tol,” komento naman ng isang fan.

“He loves her so much. Goodbye. Happy birthday, Chin! Ikaw na,” sey pa ng isang FranSeth supporter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, inaabangan na rin ng mga fans ang susunod na project nina Seth at Francine sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending