Francine Diaz, Seo In-guk maglalabas ng collaboration song

Confirmed! Francine Diaz, Seo In-guk maglalabas ng collaboration song

Pauline del Rosario - January 29, 2024 - 11:36 AM

Confirmed! Francine Diaz, Seo In-guk maglalabas ng collaboration song

PHOTO: Instagram/@starmagicphils

IT’S CONFIRMED! Ang Korean star na si Seo In-guk ang makaka-collaborate ng Kapamilya young star na si Francine Diaz sa upcoming single niya.

Kaya naman pala “my love” ang tawag ni Francine kay In-guk sa previous social media post ay dahil ito ang title ng kanilang collaboration song.

Magugunita na noong nakaraang linggo lamang nang maging usap-usapan sa social media ang pagkasa ng dalawa sa isang viral dance challenge.

Naging agaw-pansin diyan ang caption ni Francine na tinawag ang Korean star ng “my love” kung saan humirit ang maraming netizens na pumila ang aktres.

Ayon sa naging panayam ng ABS-CBN News, aminado si In-guk na aware siyang isang sikat na artista dito sa Pilipinas si Francine.

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar binanatan ng bashers matapos ilabas ang vlog sa fan meeting ni Seo In-guk, deserve raw ma-elbow bilang host?

Naikwento pa nga niya kung paano nagsimula ang collaboration nilang dalawa.

Chika ng Korean star, na-meet niya in-person ang manager ng aktres at agad na siyang nag-inquire kung pwede niyang maka-duet o makasama sa kantahan si Francine.

Ang upcoming single na “My Love” ay originally mayroong male rap part, pero binago ito ni In-guk nang mag-yes na si Francine sa kanyang offer.

Bago pa ang viral dance challenge ng dalawa, ibinunyag ni Francine sa isang interview na magkakaroon siya ng music collaboration kasama ang isang Korean artist.

Hindi pa niya sinasabi that time kung sino, pero ito ang dahilan kaya nagtungo siya sa South Korea noong Disyembre.

“This year din po ang release namin. Maybe next month,” ani ng young actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ilan lamang sa mga K-Drama na pinagbidahan ng Korean actor ay ang “Reply 1997,” “Master’s Sun,” “Hello Monster,” “Shopping King Louie,” “The Smile Has Left Your Eyes,” and “Café Minamdang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending