Francine Diaz, Seo In-Guk kumasa sa dance craze

Francine Diaz, Seo In-Guk kumasa sa dance craze, hirit ng fans: ‘Pumila ka!’

Pauline del Rosario - January 21, 2024 - 10:49 AM

Francine Diaz, Seo In-Guk kumasa sa dance craze, hirit ng fans: 'Pumila ka!'

PHOTO: Screengrab from Instagram/@francinesdiaz

“PUMILA ka! Walang artista artista dito!”

‘Yan ang naging hirit ng ilang netizens sa latest social media post ng Kapamilya young star na si Francine Diaz.

Nakasama niya kasi riyan ang sikat na South Korean star na si Seo In-guk!

Talaga namang marami ang napa-sana all dahil sabay nilang ikinasa ang isang viral dance challenge.

Ang caption pa riyan ni Francine, “See you next month, My Love! [winking, heart hands emojis]”

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar naka-videocall ang Korean idol na si Seo In-Guk: Ang tagal kong hinintay ‘yun!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)

As of this writing, mayroon nang mahigit four million views ang post ng aktres kasama ang Korean actor-singer.

Iba-ibang reaksyon din mula sa fans ang mababasa sa comment section:

“Grabe sa ‘my love’ nambabakod [laughing face emoji]”

“Support ako as a fan pero sorry ayaw ko ‘yung caption idol hehehehhe my loves [laughing emojis].”

“Pumila ka mareng pransen! Walang artista artista dito [emoji].”

“Tinapos na ni Chin ang pila! hahahahaha sa mga driver na lang talaga ako ng truck pipila [crying, laughing emojis].”

Kamakailan lang, ibinunyag ni Francine sa isang interview na magkakaroon siya ng music collaboration kasama ang isang Korean artist.

Hindi pa sinasabi ng aktres kung sino, pero ito ang dahilan kaya nagtungo siya sa South Korea noong Disyembre.

“This year din po ang release namin. Maybe next month,” ani ng young actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si In-guk kaya ang tinutukoy niyang makaka-collaborate niya sa ilalabas niyang kanta?

Samantala, ilan lamang sa mga K-Drama na pinagbidahan ng Korean actor ay ang “Reply 1997,” “Master’s Sun,” “Hello Monster,” “Shopping King Louie,” “The Smile Has Left Your Eyes,” and “Café Minamdang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending