Kristel Fulgar naka-videocall ang Korean idol na si Seo In-Guk: Ang tagal kong hinintay 'yun! | Bandera

Kristel Fulgar naka-videocall ang Korean idol na si Seo In-Guk: Ang tagal kong hinintay ‘yun!

Therese Arceo |July 21,2022
facebook
share this

Kristel Fulgar naka-videocall ang Korean idol na si Seo In-Guk: Ang tagal kong hinintay ‘yun!

Therese Arceo - July 21, 2022 - 03:27 PM

Kristel Fulgar naka-videocall ang Korean idol na si Seo In-Guk: Ang tagal kong hinintay 'yun

SUPER happy ang actress-vlogger na si Kristel Fulgar matapos matupad ang isa sa kanyang mga pangarap sa buhay.

Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na magkakaroon siya ng oportunidad na maka-video call at ma-interview ang idol niyang Korean star na si Seo In Guk para sa album nitong “Love&Love”.

“Alam niyo bang tatlong araw na akong kinakabahan. Hindi ko na-imagine sa tanang buhay ko na makakausap ko siya. Pwede ‘yung picture, ‘yun ang pangarap ko talaga pero ‘yung kausap hindi ko talaga alam,” saad ni Kristel sa kanyang vlog.

“Lalo na ngayon question and answer interview di ba? Kailangan maging professional tayo. Ang hirap, paano ba?” pagpapatuloy pa niya.

Kwento niya, 16 years old pa lang siya nang maging fan siya ni Seo In Guk.

“Sobrang amazing niyang tao para sa akin. Ang galing niyang kumanta, hindi lang sa magaling siyang kumanta eh. Meron akong hinahanap na boses na nakita ko sa kanya as a singer. Na-appreciate ko ‘yung quality ng boses niya and siguro ‘yung style niya. Ang galing din niya umarte, kahit anong genre, napaka-versatile na actor – drama, comedy, rom-com, kayang-kaya niyang i-pull off,” chika ni Kristel.

At hindi nga siya makapaniwala na after 10 years ay personal niyang makakausap ang matagal nang iniidolo.

“Isang dekada tapos nagkaroon ako ng opportunity na ganito. Alam ko kapag tinanggihan ko ‘yung opportunity na ‘to pagsisisihan ko habang buhay kaya kahit kinakabahan ako ng sobra, kahit sobra ‘yung pressure na nararamdaman ko, alam ko magiging worth it lahat,” hirit pa ni Kristel.

Ilan sa mga naitanong ng aktres sa Korean star ay ang naging trip nito sa Davao nang i-shoot nila ang pelikulang “No Breathing” ilang taon na ang nakalilipas.

“I really liked all the sceneries my eyes could see. I love the weather, the ocean, and the people. I loved the food and I really liked the color of the ocean,” sagot naman ni Seo In-Guk.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristel Fulgar (@kristelfulgar)

Hindi na rin pinalagpas ni Kristel ang pagkakataon at inamin ang malaking paghanga niya sa aktor.

Bukod pa rito, inamin rin niya na ito ang naging dahilan bakit nag-aral ng Korean language ang aktres.

“I’m a huge fan of yours! I’ve watched all of your dramas [and] memorized your songs. Because I wanted to understand you better, I tried learning the Korean language,” sey ni Kristel.

Dagdag pa niya, “Yes, for real… For me to be able to watch your 10th year anniversary concert, I even flew all the way to Korea. I’m one of your Angels (fan group of In-guk) who are waiting for you to come here to the Philippines. If that happens, I hope I can get even just one selfie with you.”

Humiling naman siya kung pwede silang mag-selfie ng aktor na pinunlakan naman nito.

Naging emosyonal rin siya nang matapos ang virtual interview niya kay Seo In Guk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang tagal kong hinintay ‘yun. Sobrang bilis man ng interview, sobrang haba na nun para sa akin. Again, hindi ko alam kung may mga tao na sasabihin na ang OA ko naman pero kasi nakausap ko siya. Isang dekada ako halos na nanood lang ng drama niya, grabe,” mangiyak-ngiyak na sey ni Kristel.

Related Chika:
Kristel Fulgar ibinandera ang bagong gawang bahay: Nakikita ko na ‘yung mga bagay na naipundar ko

Kristel Fulgar nag-record ng original Korean song para sa bagong web drama: Dream come true!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending