Kristel piniling 'wag lumandi noon, reserved para sa future hubby

Kristel Fulgar piniling ‘wag lumandi noon, reserved para sa future hubby

Therese Arceo - December 14, 2024 - 03:12 PM

Kristel Fulgar piniling 'wag lumandi noon, reserved para sa future hubby

IKINUWENTO ng actress-singer na si Kristel Fulgar kung paano nagsimula at umusbong ang love story nila ng kanyang first boyfriend na si Ha Su Hyuk.

Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi niya kung paano sila nagkakilala at eventually ay nagkapalagayan ng loob.

“Sobrang nakakatuwa na maraming natuwa para sa akin. May pagka-late bloomer man, eh nakahabol pa din. Char!” natatawang sabi ni Kristel.

Kahit nga raw na-late siya sa aspetong pag-ibig ay wala siyang pinagsisisihan.

Baka Bet Mo: Kristel sinagot na ang Korean suitor: ‘Finally, my first boyfriend!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Lahad ni Kristel, “Wala akong pagsisisi kasi talaga namang everything is worth the wait. I remember parang mga 3 years ago, medyo nape-pressure na ako kasi nga malapit na ako sa gusto kong marrying age which is 30, 31, 32.

Tapos ’yung mga ka-batch ko, nagpapakasalan na, may mga anak na so na-realize ko, ‘Ano ba talaga ang goal ko sa buhay?'”

Akala raw niya dati ay nais niya lang yumaman at magkaroon ng maraming pera pero na-realize niys sa pagtanda niya ay nais niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Kaya naman nang mangyari ang Thanksgiving sa kanilang church ay taimtim siyang nagdasal para sa taong para sa kanya sabay sabi na ready na siya para magmahal at mahalin.

Amin pa ni Kristel na noong nasa early 20s siya ay alam niya sa sarili niya na hindi pa siya handang magmahal lalo na at hindi pa siya financially stable.

Kaya naman nang ma-meet niya si Ha Su Hyuk ay talaga namang nkita niya na ito ang para sa kanya dahil narito ang lahat ng kanyang hinahanap ngunit sa ngayon ay wino-work out pa ng dyowa na magkasundo sila sa kanilang religious beliefs.

Sey ni Kristel, “Sobrang worrh the wait lahat ng bagay. Hindi ko pinagsisisiha na siya ‘yung first boyfriend ko at 29 years old.

“May goal kasi ako and diniscuss ko rin ‘yun sa kanya na kung sino ang first boyfriend ko, siya na rin ‘yung maging last ko and hopefully gusto na niya ‘yung matupad.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Amin pa ni Kristel, pinlano rin niya na huwag munang maki-mingle noon sa mga lalaki o i-explore ang pagkakaroon ng lovelife noong bata.

“Sinadya ko rin noon na hindi lumandi nang maaga kasi gusto kong i-reserve ang sarili ko para sa future husband ko nang buong-buo.

“So sa mga NBSB girlies dyan, don’t be pressured. Know your worth. Ako kasi I think [of] myself as a high-value woman and I wouldn’t settle for anyone that doesn’t deserve me. And naniniwala ako na talagang may right guy para sa akin. I just need to wait for the right time and to trust God na mayroon Siyang nakalaan [para sa akin],” ani Kristel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending